What's Hot

Ruru Madrid, may reaksyon sa ibinunyag ni Bianca Umali sa It's Showtime

Published September 6, 2024 12:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

ruru madrid


Alamin dito ang reaksiyon ni Ruru Madrid tungkol sa sinabing kasalan nila ni Bianca Umali:

Tila natawa rin si Ruru Madrid sa viral moment ng kanyang girlfriend na si Bianca Umali sa It's Showtime noong Lunes, September 2.

Sa naturang episode, umupo si Bianca bilang isa sa mga hurado ng "Kalokalike," kung saan nakilala niya ang impersonator ng kaniyang real-life partner na si Ruru Madrid.

Sa gitna ng kanilang kulitan, tila nadulas si Bianca sa planong kasalan nila ni Ruru. Sabi niya kasi sa impersonator, "Nagsabi ka sa akin papakasalan mo ko ['tapos], hindi mo alam anniversary natin?"

Kahit biro lang ito, nagulat ang mga manonood pati na rin ang mga host sa programa. Masayang tinanong tuloy ni Vice Ganda, "May revelation, nag-propose na pala Bianca, a. So, may tinatagong proposal?"

Sa isang exclusive interview kasama ang GMANetwork.com, nagbigay na ng reaksyon ang totoong Action Hero na si Ruru Madrid.

Biro niya tungkol kay Bianca,"Ewan ko ba sa kaniya ba't niya ba sinasabi mga ganiyang bagay."

Pangako naman ni Ruru, hindi nila itatago ni Bianca ang kanilang proposal kung meron man. Sa ngayon, naghihintay lang sila ng tamang panahon para rito

"Pero you know, kapag naman... [kapag] totoong nangyari na, e, hindi naman na namin iyan kailangan pang itago. Kasi for me, kaming dalawa ni Bianca naniniwala kami na talagang may tamang timing ang lahat ng bagay. So, kung 'yung bagay na iyan, hindi natin malalaman puwedeng mamaya, puwede bukas, puwedeng sa makalawa, pagkatapos ng Green Bones, malay natin so will see," paliwanag niya.

Basta ang mahalaga raw ngayon kina Ruru at Bianca, alam nilang mahal nila ang isa't isa at patuloy nilang sinusuportahan ang kanilang karera at plano sa buhay.

"Basta malinaw sa amin 'yung pagmamahal namin para sa isa't- isa at sobrang sinusuportahan namin ang isa't isa," sabi niya.

Binanggit din ni Ruru sa isang panayam sa 24 Oras na simula pa lang ng kanilang relasyon, pinangakuan niya na raw si Bianca na papakasalan niya ito.

Samantala, abala ngayon si Ruru para sa kaniyang mga proyekto sa showbiz, katulad ng GMA Picture's 2024 Metro Manila Film Festival pelikula na Green Bones. Makakasama niya rito ang iba pang bigating stars tulad nina Dennis Trillo, Sofia Pablo, at Kylie Padilla.

Kasalukuyan naman ang shooting ni Bianca sa GMA fantasy series na Encantadia Chronicles: Sang'gre. Kabilang siya sa new generation Sang'gre kasama sina Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Faith Da Silva.

Mapapanood din sina Ruru at Bianca sa upcoming "Sparkle Goes to Japan" tour ngayong October 19 at 20.

Tingnan ang mga nakakakilig na litrato nina Ruru Madrid at Bianca Umali, sa gallery na ito: