Showbiz News

Back-to-back with Barbie and Thea in 'The Half Sisters' Live Chat

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Mga Kapuso, here’s your chance na maka-bonding ang The Half Sisters stars na sina Barbie Forteza at Thea Tolentino sa GMANetwork.com Live Chat this Tuesday, September 2, 2014, from 2:00 p.m. to 4:00 p.m. (Philippine time)
 
Bida sina Barbie at Thea sa Afternoon Prime soap na The Half Sisters. Umiikot ang kuwento sa isang rare case na tinatawag na Heteropaternal Superfecundation. Kambal na isinilang sina Diana (Barbie) at Ashley (Thea) ngunit magkaiba ang kanilang ama.

Sa kuwento, si Diana ang laging inaapi at si Ashley naman ang kanyang kontrabida. Narito ang ilang dahilan ni Ashley kaya’t galit siya sa kapatid.
 
Because of Bradley
 
Si Bradley ang school heartthrob na gustong-gusto ni Ashley. Pero matalino si Bradley, alam niya ang tunay na pagkatao ni Ashley kaya’t hinding-hindi niya ito magugustuhan. Ang nakabihag ng kanyang puso ay si Diana. Lalong umigting ang galit ni Ashley sa kapatid dahil dito.
 
Because of Rina
 
Bata pa lamang ay nararamdaman na ni Ashley na mas mahal ni Rina ang kapatid kaya't galit din siya sa ina. Hanggang ngayon, nagseselos pa rin si Ashley tuwing nakikita niyang close sa ina si Diana.
 
Kailan kaya matatanggap ni Ashley si Diana? Magbabago pa ba si Ashley?
 
Patuloy na subaybayan sina Barbie at Thea sa The Half Sisters, weekdays after Eat Bulaga on GMA Afternoon Prime. Pero bago ‘yan, samahan muna sila sa GMANetwork.com Live Chat bukas, September 2, from 2:00 p.m. to 4:00 p.m. (Philippine time)

Just log on to www.gmanetwork.com/livechat to be part of this exclusive event.