Showbiz News

Dingdong Dantes, nanumpa bilang youth commissioner

By SAMANTHA PORTILLO
 
Pormal nang itinalaga bilang Commissioner-at-Large ng National Youth Commission si Kapuso Primetime King, Dingdong Dantes.
 
Unang ibinigay ni Pangulong Benigno Aquino III kay Jose Sixto Dantes III, o mas kilala bilang Dingdong, ang posisyon noong Mayo 7. Nanumpa ang Primetime King noon kay Senador Bam Aquino. Tatlong taon ang magiging termino niya.
 
Ngayong Setyembre 1, nagtungo si Dingdong sa Malacañang at nanumpa sa harap mismo ni Pangulong Benigno Aquino III. Nandoon rin si DILG Sec. Mar Roxas II.
 
Ang Primetime Queen, proud na proud sa achievement ng kanyang fiancé. Sa kanyang Instagram post, sinabi niya na “Congratulations Asec. Jose Sixto G. Dantes III, We are so proud of you!”
 
Ang ina ni Dingdong na si Mrs. Angeline Gonzalez Dantes ay dumalo rin upang magbigay ng suporta sa kanyang anak.