Showbiz News

Carla Abellana, may mensahe sa bashers nila ni Tom Rodriguez

By MICHELLE CALIGAN
 
Mula nang parehong inamin nina Tom Rodriguez at Carla Abellana na nagkakamabutihan na sila, kinilig ang kanilang fans dahil sa wakas ay nauwi sa totohanan ang kanilang onscreen romance.
 
Pero kasabay ng mga taong natutuwa para sa dalawa ay ang pagdami rin ng kanilang bashers. Matatandaang naging very public ang breakup nina Carla at ng kanyang ex-boyfriend na si Geoff Eigenmann, at recently lang din inamin ng singer na si K-La Rivera na hiwalay na sila ni Tom.
 
Ano naman ang masasabi ni Carla sa mga naninira sa budding relationship nila ni Tom?
 
"Hindi naman sila mawawala, laging mayroon. Kahit napakabait mo pang tao, kahit santa ka, laging mayroong titira sa 'yo, 'yung hihila sa 'yo pababa. Pero nasa sa 'yo 'yan eh, kung bibigyan mo ng attention, ng oras, hahayaan mo na maapektuhan ka. Hindi sila mawawala. It's really just a matter of choice, and dapat, choose happiness naman." 
 
Nang tanungin ang My Destiny star kung nagkausap na ba sila ni Geoff, ito ang naging sagot niya.
 
"I haven't seen him. Hindi ko siya nakakausap, so we'll see. Depende kung magkita kami dito sa network if we bump into each other."
 
Open naman daw si Carla sa pakikipag-ayos sa kanyang ex-boyfriend. "Oo naman, siyempre naman. Why not?," pagtatapos niya.