Showbiz News

Angelu de Leon, naaawa sa truck driver na nakabundol sa kanila

By AL KENDRICK NOGUERA

Lagpas isang buwan na ang nakalipas mula nang maaksidente si Angelu de Leon habang papunta sa taping ng Niño sa Laguna. Kasagsagan noon ng bagyong Glenda nang mabundol ang kanilang sinasakyang van ng isang truck.
 
Noong July 19, mismong araw ng aksidente, nag-post si Angelu sa kanyang Instagram account ng picture ng actual damage ng kanyang sasakyan. Laking pasasalamat na lang daw ng aktres na walang nasaktan sa kanila. Kasama niya noon ang anak na si Rafa, dalawang yaya at ang driver ng van.
 
Ang ikinalungkot ni Angelu ay nang malaman ang balitang maaaring maging baldado ang truck driver na nakabunggo sa kanila. “Sad to say he broke two of his legs. We had to go and check up on him,” saad niya.
 
Dagdag pa ni Angelu, “I want to free him from the guilt na it was an accident.”
 
Lalo pa raw naawa si Angelu a driver nang malamang mayroong itong pamilyang binubuhay. Aniya, “He was just like 28. Tapos mayroon pala siyang  anak na babae, mayroong siyang pamilya. So with two broken legs, parang how could he work.”
 
Nakailang bisita raw si Angelu sa truck driver upang i-check kung bumubuti na ang lagay nito. Higit daw na importante sa aktres ang buhay ng tao kaysa sa damage na natamo ng kanyang sasakyan.
 
“I cannot be inconsiderate just because my van or my vehicle got hit by a car. Kasi kung 'yung vehicle lang naman, maipapagawa naman yan eh.”
 
Bilang isang professional actor, tumuloy pa rin si Angelu sa taping ng Niño. Saad ng aktres, "Everything worked out for the prod. We were able to finish all our sequences that day. And then after that, we were able to visit him [truck driver] sa hospital."