Showbiz News

Mike Tan, miss na ang 'StarStruck' batchmate na si CJ Muere

By MARY LOUISE LIGUNAS

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Malakas daw talaga maka-buklod ang StarStruck, ayon sa Season 2 Ultimate Male Survivor na si Mike Tan.
 
Sa mga ka-batch niya, ang naging pinaka-close ng aktor ay sina Kevin Santos at ang First Prince na si CJ Muere.
 
Madalas pa rin daw sila nakakapag-usap ni Kevin dahil pareho silang nasa GMA.
 
"Lagi pa ring around si Kevin so every time na nagkikita kami o nagkakasama sa trabaho, talagang kami 'yung nagsasama kasi kami 'yung magkabarkada," kuwento niya sa GMANetwork.com.
 
Maliban sa trabaho, meron din silang ibang bonding activities.
 
"Aside from madalas kami nagkakasama sa work, sa gym kaming dalawa [nagsasama] ni Kevin," dagdag niya.
 
Sobrang miss naman daw niya ang kanyang matalik na kaibigan na si CJ.
 
Hindi man sila madalas magkasama dahil wala na sa showbiz ang kanyang kaibigan, may contact pa rin sila sa isa't-isa.
 
"Sobrang busy niya kasi dentist na siya [at] nag-ma-master's na rin siya, saka taga-Laguna pa 'yun so medyo mahirap pero [tuwing kaya naman], nagkikita kami," aniya.