Showbiz News

Ang katotohanang yumanig sa ‘Return of the Wife’

By EUNICIA MEDIODIA
 
Ang kinaroroonan ni Carson
 
Matagal nang nawawala si Carson. Matagal na ring hinahanap ni Liane ang lalaking kanyang tunay na minamahal. Kaya naman gumawa siya ng paraan para matagpuan ito. 
 
Sa tulong ni Celine, natagpuan na rin ni Liane si Carson. Ipinadala si Carson sa Hong Kong ng ama ni Liane para paglayuin silang dalawa.
 
Sinundo ni Liane si Carson sa Hong Kong. Sinama niya ito pag-uwi niya ng Korea. Ano ang binabalak ni Liane kay Carson?
 
Ang tunay na ikinamatay ni Rosaria
 
Naawa si Norman kay Tyrone dahil alam niyang niloloko lang ito ni Rosaria. Nakahanda na siyang ipagtapat ang buong katotohanan kay Tyrone. Ngunit pinigilan siya ni Rosaria.
 
Sa tulong ng hawak na ebidensya ni Rosaria, nagimbal si Norman sa katotohanang pinatay si Rosaria. Masabi pa kaya nito ang totoo kay Tyrone pagkatapos ng kanyang nalaman?
 
Ang relasyon nina Gabriel at Rosaria
 
Nakatakdang magpakasal si Rosaria kay Tyrone. At sa araw ng kanilang kasal, dumating si Gabriel. Pinigilan niya ang pagpapakasal ni Rosaria kay Tyrone.
 
Lubhang ikinagalit ni Tyrone ang ginawang panggugulo ni Gabriel. Pero may gumulantang sa kanya na magpapagulo pa sa kanyang isip - Si Rosaria ang dating asawa ni Gabriel.
 
Matuloy pa kaya ang kasal nina Tyrone at Rosaria? Ano ang gagawin ni Gabriel para hindi ito matuloy?