
Pinag-uusapan ngayon online ang latest vlog ni Viy Cortez na pinamagatang 'The Judy Ann Santos Prank.'
Sa naturang vlog, nakasama ni Viy ang celebrity mom na si Judy Ann Santos para sa isang collaboration.
Nakahanda si Judy Ann para sana sa isang interview ngunit wala siyang kaalam-alam na mayroon pa lang prank na isasagawa ang team ni Viy.
Nagsimula ang vlog sa chikahan ng dalawa hanggang sa nagpatuloy ito para naman sa isang challenge.
Sa kalagitnaan nito, pinagalitan ni Viy ang kasama niyang camera operator sa harap ng aktres upang makita kung ano ang magiging reaksyon niya.
Mayroon pang naganap na paghagis ng plastic na baso sa loob mismo ng restaurant ni Judy Ann.
Noong una ay pinipigilan ni Judy Ann si Viy hanggang sa lumayo muna siya at itinanong kung gusto ba nilang i-reschedule na lang ang pagba-vlog.
Kasunod nito, nabigla ang celebrity mom nung inamin na ni Viy at ng kanyang team na prank lang ang kanilang pag-aaway.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 367,000 views ang vlog ni Viy sa YouTube.
Sa comments section nito, mababasa ang comments ng netizens na talaga namang humanga sa pagiging kalmado ni Judy Ann.
Panoorin ang kanilang vlog sa ibaba:
Si Judy Ann ay happily married sa TV host na si Ryan Agoncillo. Mayroon silang tatlong anak- sina Yohan, Lucho, at Luna.
Related gallery: LOOK: Ryan Agoncillo captures beautiful moments of his family