GMA Logo Miguel Tanfelix in Mga Batang Riles
What's on TV

Miguel Tanfelix, sinorpresa sa taping ng 'Mga Batang Riles'

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 22, 2024 4:41 PM PHT
Updated October 29, 2024 5:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

19 areas under Signal No. 1 as Wilma approaches Samar Island
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix in Mga Batang Riles


Nakatanggap ng sorpresa si Miguel Tanfelix sa set ng GMA Prime series na 'Mga Batang Riles' para sa kanyang ika-26 na kaarawan!

Seryosong-seryoso pa ang aktor na si Miguel Tanfelix nang pumunta sa set ng pinagbibidahan niyang GMA Prime series na Mga Batang Riles dahil hindi niya alam na may sorpresang inihanda sa kanya ang kanyang co-stars na sina Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, Bruce Roeland, at Antonio Vinzon.

Ipinagdiwang ni Miguel ang kanyang ika-26 na kaarawan noong September 21.

"Nagulat po ako pero pinakanakakatawa talaga doon, nakasakay sila [sa trolley] ta's umaandar sila. Nakakatawa," saad ni Miguel sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.

Dahil sa tabing riles ang lokasyon nila sa programa, nakasakay sina Kokoy, Raheel, Bruce, at Antonio sa isang trolley habang dala-dala nila ang cake ni Miguel.

Ano naman kaya ang wish nila kay Miguel na gaganap bilang Kidlat na lider ng Mga Batang Riles?

Sagot ni Antonio, "Good health, and sana lahat ng pangarap mo matupad."

Dagdag ni Raheel, "Sana ganun ka pa rin, lagi kang mabait at down to earth. Stay blessed."

Saad ni Bruce, "Siyempre, more success bro. Kaya mong makamit lahat ng gusto mo sa buhay."

Pagtatapos ni Kokoy, "Stay healthy, stay hydrated, pare. More blessing pa."

Hindi naman maitago ni Miguel ang saya niya lalo na't nang marinig ang wish ng kanyang mga kasamahan sa Mga Batang Riles.

Aniya, "Sa lahat ng wish, nag-enjoy ako sa health kasi tamang-tama, may sakit ako ngayon."

Ano naman kaya ang wish ni Miguel sa kanyang kaarawan?

Sagot niya, "Sinigaw ko po 'yun, e, sabi ko, 'Success ng show' sabay hipan [ng kandila]."

Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras dito:

Bukod sa kanilang lima, makakasama rin sa Mga Batang Riles sina Zephanie, Diana Zubiri, Desiree Del Valle, Jay Manalo, Mr. Ronnie Ricketts, at Ms. Eva Darren.

TINGNAN ANG MGA LARAWAN NI MIGUEL TANFELIX DITO: