Showbiz News

Angelu de Leon wishes her son Rafa to grow up like Miguel Tanfelix

By AL KENDRICK NOGUERA
 

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Bittersweet ang nararamdaman ni Kapuso actress Angelu de Leon dahil sa nalalapit na pagtatapos ng Niño.
 
Ayon sa aktres, masaya siya dahil maraming viewers ang na-inspire ng GMA Telebabad soap. Pero may halong lungkot daw dahil mami-miss niya ang mga katrabaho niya sa show lalong-lalo na si Miguel Tanfelix.
 
“Mami-miss ko siya in a certain way that sana 'yung relationship namin ni Niño at saka ni Rafa would be the same,” pahayag ni Angelu.
 
Si Angelu ang tumatayong ina ni Miguel sa show. Anang aktres, hindi lang oncam ang ganitong relasyon nila ni Miguel dahil kahit wala sa eksena, pakiramdam niya ay tunay niyang anak ang Niño star.
 
“He would open up to me. He would tell me everything. Parang sobra akong naaliw. Nagulat nga ako,” kuwento ni Angelu.
 
Ikinuwento ni Angelu ang tinanong sa kanya ni Miguel na ikinagulat niya. Aniya, “Siya lang 'yung anak ko sa isang soap sa tanang buhay ko sa showbiz na nagtanong sa 'kin ng, 'Tita Anj, ano kayang magandang pabango para sa 'kin?' That's personal. It's his scent eh.”
 
Dagdag niya, “Sabi ko, I'm sure si Rafa [ay] ganito rin 'yung mga itatanong sa 'kin [paglaki].”
 
First time na nagkaroon ng anak na lalaki si Angelu sa isang show. Ngayon lang din pala siya nagkaroon ng baby boy sa totoong buhay. Siya ang three-year-old na si Rafa na anak nila ni Wowie Rivera.
 
Maganda ang naging relasyon ni Angelu kay Miguel sa Niño dahil itinuring niya rin itong sariling anak. Sana raw ay maging gaanon din si Rafa sa kanya kapag lumaki siya.
 
“Parang siguro tine-train na rin ako ni Lord na ganito ang may anak na lalaki. Sabi ko nga, paano kapag nanligaw na siya kasi 'di ba nililigawan niya [Niño] si Gracie,” saad ni Angelu.
 
“Nakaktuwa lang na he [Miguel] saw me as a mother talaga. I can tell him everything. I can tell him kung hindi ko gusto 'yung acting niya. I can correct him in a way that he would respond in a very okay way. Hindi 'yung maiinis siya,” dagdag ng Niño actress.