GMA Logo Michael De Mesa and Euwenn Mikaell in Forever Young
Photo by: Michael Paunlagui
What's on TV

Michael De Mesa, na-challenge sa husay ni Euwenn Mikaell sa 'Forever Young'

By Aimee Anoc
Published September 25, 2024 4:03 PM PHT
Updated October 4, 2024 8:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Michael De Mesa and Euwenn Mikaell in Forever Young


Michael De Mesa kay Euwenn Mikaell: "Na-challenge din ako kasi sa sobrang galing niya, kailangan kong pantayan."

Humahanga ang veteran actor na si Michael De Mesa sa husay ng award-winning child actor na si Euwenn Mikaell sa kauna-unahan niyang TV lead role sa upcoming afternoon series na Forever Young.

Ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho ni Michael si Euwenn sa isang proyekto at masaya siya sa pagkakataon na nakasama ang batang aktor.

"The boy works very hard and magaling, mahusay na artista," sabi ni Michael sa exclusive interview ng GMANetwork.com.

"Masarap kaeksena. Minsan nga natsa-challenge din ako kasi sa sobrang galing niya, kailangan kong pantayan," dagdag niya.

Sa Forever Young, makikilala si Michael De Mesa bilang Eduardo Malaque, isang politiko at lolo ni Rambo, na gagampanan ni Euwenn.

"Ang role ko po sa Forever Young ay si Mayor Eduardo Malaque, isang politician sa bayan ng Corazon. Honest at hindi corrupt. Minamahal ng tao dahil talagang napaayos niya at napaganda niya ang bayan ng Corazon," paliwanag ni Michael sa kanyang karakter.

Ayon sa beteranong aktor, masaya siya na nagampanan ang kanyang karakter at napasama sa cast ng Forever Young.

"Happy dahil napabilang tayo at naisip nila ako para sa character na 'to. Kaya I'm giving 100 percent of myself for this project."

Ani Michael, isa sa dapat na abangan ng manonood sa Forever Young ay ang mga eksena nila ni Euwenn bilang maglolo.

"Abangan nila 'yung relationship naming mag-lolo and kung paano nag-grow si Rambo (Euwenn) bilang isang politician. Dahil sa kondisyon niya 25 years old pero never nang lumaki, forever na siyang ganun. I think this is the first time na ita-tackle 'yung ganitong tema," sabi niya.

Tampok sa Forever Young ang kakaibang kondisyon ni Rambo, isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10-year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.

Bukod kay Euwenn, makakasama rin ni Michael De Mesa sa Forever Young sina Eula Valdes, Rafael Rosell, Nadine Samonte, Alfred Vargas, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, James Blanco, Yasser Marta, Matt Lozano, at Abdul Raman.

Abangan ang Forever Young, simula October 21, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: