Showbiz News

Krystal Reyes turns 18

By AEDRIANNE ACAR  
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

It was a night to remember para sa former Carmela star Krystal Reyes as she celebrated her 18th birthday last night sa 55 Events Place, Tomas Morato. 
 
Dinagsa ang party ni Krystal ng mga naglalakihang bituin ng Kapuso network kabilang ang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na isa sa 18 Candles ng dalaga. 
 
Message ng soon-to-be Mrs. Dantes kay Krystal, “Happy Birthday, siguro pinaka [precious] 'yung moment na talagang nakapag-bonding tayo eh nung Carmela. Ang gusto ko kasi 'yung mga bata na mapagmahal talaga sa magulang,
sa kapatid at nakita ko 'yun sa ‘yo.” 
 
“Sana huwag kang magbabago. Palagi mong tatandaan kapag mapagmahal ka sa magulang mo at sa mga kapatid mo, mas magiging successful ka sa buhay mo at lagi mong tatandaan nandito si Ate Yan para sa ‘yo.” 
 
Sa katunayan ang suot niyang baby pink gown ay regalo ni Marian sa Kapuso sweetheart. Naging malapit sa puso ng Primetime Queen si Krystal nang nakatrabaho niya ito sa Carmela
 
Pinuri naman ni Direk Gina Alajar ang Kapuso actress dahil isa raw ito sa pinakamagaling na talent na nakadaupang palad niya. 
 
Ani Direk Gina, “Maybe hindi ko nasabi sa ‘yo na during Anna Karenina na talagang hangang-hanga ako sa ‘yo. I became your fan, dahil ikaw ay isang artista na parang sponge. Alam mo 'yung sponge na 'pag binabad mo sa tubig lahat inaabsorb [absorb] niya at pagkatapos kapag piniga mo lahat-lahat ng tubig na ‘yun ay lumalabas, ikaw 'yun. Kahit anong sabihin ko sa ‘yo, kahit anong ipagawa ko sa ‘yo, you are willing. Always willing to learn and to do whatever the task is.” 
 
Kabilang din sa 18 Candles ang mga former co-stars niya sa primetime show na Anna Karenina na sina Barbie Forteza at Joyce Ching, Vampire Ang Daddy Ko star Bea Binene, StarStruck alumni Kris Bernal and Sheena Halili.

Kasama rin ang anak ni Jean Garcia na si Jennica, TV host Camille Prats, Isabelle Oli at former GMA talent Ynna Asistio.
 
Nasa event din sina John Prats na boyfriend ni Isabelle Oli at pati rin ang si Alwyn Uytingco na date ni Jennica. 
 
Birthday message 
 
Hindi naman napigilian ng kaibigan ni Krystal na si Joyce Ching ang umiyak nang mabigay mensahe ito sa birthday girl.
 
“Happy birthday at thank you sa pakikinig palagi, oh my god! Thank you sa pakikinig palagi at 'tsaka thank you nagtitiwala ka sa akin sa mga kung ano-ano mang chiznet natin sa buhay. At ako rin puwede rin ako magtiwala sa ‘yo kaya sobrang thank you at kahit madalas tayong hindi nag-aabot 'pag nagte-text tayo makakapag-reply pa rin naman ako palagi. ” 
 
Sinariwa naman ni Jennica Garcia ang mga moments na nakatrabaho niya si Krystal. Aniya, “Naalala ko 'yung mga unang pinagsamahan natin every time na kunwari may storycon tapos magkasama tayong dalawa, sobrang saya ko talaga kasi alam ko na may makakausap ako sa set. Mayroon akong taong mapagkakatiwalaan.” 
 
Highlight ng gabi nang sinayaw si Krystal ng mga Kapuso actors suot ang kanyang second outfit for the night: a crystal studded fuchsia pink gown na lalong nagpatingkad sa ganda ng dalaga. 
 
Kasama sa 18 Roses niya sina The Half Sisters star Derrick Monasterio, Kristoffer Martin at Niño actor Julian Trono. 
 
Born Jolina Marie B. Reyes tumatak sa isipan ng mga Kapuso natin si Krystal nang masungkit niya ang title role bilang Anghelita sa primetime drama na Mga Mata ni Anghelita na nagsilbing big break niya sa showbiz. 
 
Napabilang din si Krystal sa multi-awarded children's show na Art Angel opposite GMA News reporter Pia Arcangel & Tonipet Gaba kung saan tinanghal ang show bilang PMPC Stars Awards Best Children’s Show for three consecutive years (2007-2009).
 
Grateful to family and friends 
 
Lubos ang pasasalamat ng debutante sa lahat ng mga tao na nagpunta at hindi rin napigilan ng Kapuso actress na maging emosyonal lalo na ng magbigay ito ng mensahe sa kanyang mga magulang. 
 
Ani Krystal, “Siyempre po gusto ko mag-thank you sa inyong lahat na nagpunta, sa lahat po ng tumulong sa akin para maging possible ‘tong partying ‘to. Sobrang happy po ako and sa family ko po kasi hindi ko po naman talagang hiningi na magkaroon ng party kahit sobrang gusto ko po dahil ayaw ko pong gumastos kasi po kuripot ako.”
 
Dagdag pa niya “Sobrang nagpapasalamat po ako sa lahat ng tumulong. Sa GMA Artist Center, sa GMA, kay Tita Tess thank you po, sa family ko po. Kay Ate Yan para po sa gown ko... And kay Mama po 'tsaka kay Papa. Sobrang thankful po ako na kayo 'yung naging parents ko. Ano man po 'yung dumating sa atin, sana po huwag po tayong sumuko.” 
 
Happy 18th birthday Krystal Reyes!