
Abala ngayon ang Kapuso couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali sa kani-kanilang mga proyekto. Kaya naman, kahit nasa rehearsal sila para sa nalalapit na "Sparkle Goes to Japan" tour, itinuturing na nilang quality time together it.
Abala kasi ngayon si Ruru para sa Metro Manila Film Festival entry nila na Green Bones, habang si Bianca naman ay sa pelikula niyang Danggo, at taping ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa panayam ni Aubrey Carampel sa kanila para sa 24 Oras, sinabi ni Bianca na kahit sobrang abala sila ngayon ay thankful pa rin sila dahil “very alligned 'yung universe” para sa kanila.
“Although, 'yun nga lang siyempre nasasakripisyo ang oras naming dalawa magkasama, pero it's okay, everything will be worth it,” sabi ng aktres.
BALIKAN ANG PAGDIRIWANG NINA RURU AT BIANCA NG KANILANG 6TH ANNIVERSARY SA GALLERY NA ITO:
Bukod pa sa kaniyang MMFF entry, abala rin si Ruru ngayon sa pag-eensayo ng Filipino Martial Arts. Katunayan ay meron siyang pst sa kaniyang instagam ng isang video ng kaniyang pag-e-ensayo.
Ngunit sa ngayon ay wala pa idinetalye si Ruru kung para saan ang training na ginagawa.
“Malapit na po namin i-reveal kung para saan po 'yung preparation po na iyon,” sabi ni Ruru.
Dagdag pa ni Bianca, meron din silang inaaral ngayon ni Ruru na bagong hobby at skill set na ibabahagi rin nila sa fans “soon.”
Naging quality time na rin nina Ruru at Bianca ang pagwo-work-out kasama ang pamilya ng Action Drama Prince.
Ani Ruru, “Sinabi nila sa akin na 'yun 'yung best na pwede namin mairegalo sa magulang namin, kay erpats, kay mama, na 'yung lifestyle ba na maayos sila. At first, sobrang naging mahirap 'yung pagpilit namin sa kanila, but eventually, 'yun nga, parang ayaw na nila mag-skip.”
Para kay Bianca, masarap sa puso niya ang bonding nila ngayon ng pamilya ng kaniyang boyfriend. Aniya, “For us to be able to bond with Ruru's family that way na we train them, at the same time, we are able to help them improve their lifestyle and make them healthier.”
Magaganap ang "Sparkle Goes to Japan" World Tour sa darating na October 19-20 kung saan makakasama nila Ruru at Bianca sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Jillian Ward, Betong Sumaya.