Showbiz News

Thea Tolentino, umaming na-insecure kay Barbie Forteza

By AL KENDRICK NOGUERA
 
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

 
Sa ginanap na The Half Sisters live chat noong September 2, lakas loob na inamin ni Thea Tolentino kay Barbie Forteza na insecure siya sa Afternoon Prime soap co-star noon.
 
Nag-umpisa ito nang may chatter na nagtanong kay Thea kung nagkaroon ba ng time na naging insecure siya sa ibang Kapuso girls.
 
“Oo, kay Barbie,” sagot ni Thea sa chatter. 
 
Hindi sa The Half Sisters unang nagkatrabaho sina Barbie at Thea. Bago pa ito ay nagkasama na sila sa successful remake ng Anna KarenNina last year. Dito pala nangyari ang pagiging insecure ni Thea sa co-star.
 
“[Insecure ako] sa inyo nila Joyce [Ching] noong Anna KarenNina kasi sobrang nahihiya ako noon,” saad ni Thea.
 
Depensa naman ni Barbie, lagi raw nilang nilalapitan si Thea noong mga unang araw ng taping niya. Bandang huli na lang din kasi pumasok ang character ni Thea sa show kaya't na-feel niyang hindi na siya belong sa grupo.
 
“Actually pinapakiramdaman ka naming tatlo nina Krystal [Reyes] at Joyce. Kasi 'di ba noong unang taping mo, gabi 'yon naalala ko. Super kuwento, super ganyan. Sinasama ka pa naming mag-tooth brush. Tapos hanggang sa mga sumunod na taping, parang hindi ka na nakikisama sa 'min,” bahagi ni Barbie.
 
Dagdag pa ni Barbie, “So akala namin, nag-iisip kami, mayroon ba tayong nasabing hindi tama? Mayroon ba tayong nagawa? Masyado ba tayong naging wild? Masyado ba siyang na-culture shock sa 'tin?”
 
Inamin naman ni Thea na totoo ngang na-culture shock siya sa tatlong bida ng show na sina Barbie, Krystal at Joyce. Masyado kasi silang close sa isa’t-isa kaya’t na-a-out of place si Thea.
 
“'Yung feeling ko noon, nahirapan akong makipag-usap. Parang hindi ako maka-enter,” pahayag ni Thea.
 
Ayon naman kay Barbie, natural sa kanilang tatlo ang pagiging madaldal. Sa katunayan nga raw ay goal nila ni Joyce noon na gawing maingay si Krystal tulad nilang dalawa. Mag-best friends na kasi sila bago pa ang Anna KarenNina.
 
Ani Barbie, “Sa 'yo kami nahirapan. Pero kasi hindi ka na rin namin nakasama nang matagal. Siguro kung nagtagal-tagal ka roon, magiging close rin tayo agad. Kaya lang kasi 'di ba nagkaroon ka na ng Pyra [Babaeng Apoy] kaya umalis ka na rin.”
 
Nagtataka nga rin daw si Thea dahil kung kailan tapos na ang show, saka sila nagkaroon ng time na mag-bonding. “Actually pagkatapos ng Anna KarenNina tapos nakakasama ko na kayo sa ibang shows like sa SAS [Sunday All Stars], parang doon ko kayo mas nakausap nang maayos. Hindi ko alam kung bakit. (laughs),” saad ni Thea.
 
“Siguro nakainom kami ng pampakalma noon,” pabirong sagot ni Barbie.