Showbiz News

'Ang Dalawang Mrs. Real' cast advice Shiela

By MICHELLE CALIGAN

 
Nang magsimula ang Ang Dalawang Mrs. Real, hindi alam ni Shiela (Lovi Poe) na may asawa't anak na si Anthony (Dingdong Dantes). Kaya naman nang sabihin ni Anthony sa kanya ang tungkol dito ay ayaw niyang maniwala, at inakalang gusto lamang takasan ng lalaki ang responsibilidad sa kanya.
 
Napilitan si Anthony na pakasalan siya kahit pa may pamilya na ito sa Maynila, kaya ngayon ay nahaharap ang lalaki sa kasong bigamy.
 
Tinanong namin ang cast ng primetime teleseryeng ito kung ano ang maipapayo nila sa mga babaeng nasa sitwasyon ni Shiela, at ito ang kanilang mga sagot:
 
Dingdong Dantes: "Hindi ko naman siya masisisi sa mga choices na nagawa niya, kaya wala akong mapapayo sa mga katulad niya dahil hindi ko naman masasabi na naiintindihan ko sila 100 percent at nalalaman ko kung ano ang nangyayari sa kanilang kamalayan. The point is, I don't want to judge people. May kani-kanila silang mga dahilan kung bakit nila nagawa 'yun."
 
Lovi Poe: "Hindi lang siya ang nag-iisang lalaki sa mundo. At para maging masaya ang isang babae, hindi naman kailangan 'yung lalaki lang ang magpapasaya sa 'yo. Ang daming paraan para maging masaya. Kailangan talaga na mayroon kang self-fulfillment, kasi without it, 'yung kasiyahan mo maging dependent sa ibang tao. 'Yun ang number one na hindi dapat mangyari."
 
Celeste Legaspi: "Mag-isip ka muna, dear, kasi malaking problema ang napasukan mo. There's a family that's going to be broken, a family that's going to be destroyed, you're going to cause a lot of hurt. So mag-isip ka muna."
 
Jaime Fabregas: "Siguro alamin niyo muna. Hindi ko sinasabing kumuha kayo ng private investigator, pero siguro kaunting tanong-tanong lang malalaman mo naman kung may sabit ang lalaki. But if you really get into something like that, just be prepared for the consequences."
 
Alessandra de Rossi: "Ayokong mangyari sa akin ang nangyari sa 'yo. Sobrang sakit noon, pero sana huwag na niyang ipilit ang sarili niya sa taong hindi naman sa kanya at hindi magiging sa kanya ever."
 
Rodjun Cruz: "Maraming nakaranas ng naranasan niya dahil siyempre bata pa sila. Kapag na-in love, iba, parang sarado ang mundo mo, 'yun lang naiisip mo. Bata pa siya, marami pang puwedeng mangyari sa buhay niya. Nandiyan ang family niya para suportahan siya."
 
Dominic Roco: "Try to keep it together. No matter what happens, try to keep it together."
 
Diva Montelaba: "Learn to let go, kasi alam niya na hindi para sa kanya si Anthony. Nandiyan naman si Bubot for her. Para sa akin, doon na lang siya mag-focus ng time and effort niya muna. Shiela deserves someone better na magmamahal sa kanya na kaya siyang panindigan."
 
Huwag bibitiw sa huling linggo ng Ang Dalawang Mrs. Real, pagkatapos ng My Destiny sa GMA Telebabad.