Showbiz News

Jake Vargas at Bea Binene, may kissing scene sa ‘Strawberry Lane?’

By AL KENDRICK NOGUERA

 
Matagal din ang hinintay ng JaBea fans bago muling magsama onscreen ang Kapuso love team at real-life partners Jake Vargas at Bea Binene. Simula ngayong September 15, kikiligin na naman ang viewers sa tambalang JaBea sa Strawberry Lane.
 
“Marami silang aabangan na eksena namin ni Bea,” pahayag ni Jake.
 
Ayon kay Bea, hindi heavy drama ang Telebabad soap. “Hindi siya ganoon ka-mature. It's a feel good show and heartwarming 'yung story,” saad ng aktres.
 
Kuwento ni Bea, bibiguin nila ang fans na naghihintay ng first kissing scene nila ni Jake sa upcoming show. Wala raw kasi ito sa plano kahit na mas mature ang kanilang role kung ikukumpara sa kanilang previous shows.
 
“Siguro kasi kapag naman sinabing mature ang role, hindi naman sinabing may kissing scenes agad,” pahayag ni Bea.
 
Dagdag niya, “Siguro sabihin na lang natin na sa pag-atake na lang ng pag-arte, siyempre nag-mature naman. Nag-e-evolve naman talaga. Kumbaga every show naman, pataas nang pataas.”
 
Ani Jake, kung excited daw ang JaBea fans sa pagbabalik-tamabalan nila, mas excited pa rin daw sila ni Bea. Bukod kasi sa muli nilang pagsasama
ay natutuwa rin daw sila sa reunion nila ng Tweens na sina Joyce Ching, Kim Rodriguez at Kiko Estrada sa Strawberry Lane.
 
Abangan sina Bea Binene at Jake Vargas sa Strawberry Lane, ngayong September 15 na pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.