
Humugot sa sarili niyang experience ang It's Showtime host na si Amy Perez nang mapag-usapan ang topic tungkol sa age gap sa “EXpecially For You.”
Tampok sa Friday episode (August 23) ang EXpecial couple na si Grace at ang ex niya na si Jack na nine years ang age gap ng dating magkasintahan.
Dito, inilahad ni Amy Perez sa co-hosts niya na hindi siya na-bother at kahit ang asawa niya na na si Carlo Castillo sa kanilang age gap na 10 taon.
Paliwanag ni Tiyang Amy, “Alam mo, never pumasok sa isip namin 'yung age at tsaka 'yung ija-judge kami ng ibang tao, but, we know na meron at meron masasabi 'yung ibang tao tungkol sa amin”.
“Hindi mo sila mape-please and to begin with ang magkarelasyon naman ay kaming dalawa,” sabi ng seasoned TV host. “Hindi kami at ang tao.”
Pagpapatuloy ni Amy, “So, I guess 'yun lang 'yung naging strength namin nung time na 'yun. Confident kami na pinanghahawakan namin pareho 'yung mahal namin 'yung isa't isa.”
Ikinasal ang dalawa sa Mango Farm sa Antipolo, Rizal noong November 12, 2014.
Nagkaroon sila ng dalawang anak (sina Kyle and Isaiah) at merong anak na lalaki si Amy Perez na ang pangalan ay si Adi sa dating partner na si Brix Ferraris.
RELATED GALLERY: Artistahing guests sa 'EXpecially for You' ng 'It's Showtime'