Showbiz News

‘I survived’ - Yasmien Kurdi

By AEDRIANNE ACAR
 
Kapuso stunner Yasmien Kurdi can proudly say that she is a true survivor.

After joining the reality-based artista search StarStruck in 2003, the actress has proven that she can take on anything that life throws at her.
 
Tinanong namin ang aktres kung papipiliin siya sa tagline ng StarStruck na DREAM, BELIEVE, SURVIVE, ano kaya rito ang maglalarawan ng naging journey niya sa showbiz. 
 
Sagot ng pretty mom, “I think doon ako sa SURVIVE. Kasi nag-survive ako sa mga challenges ko in life. Umalis ako ng showbiz and now balik ako ng showbiz, and I survive doon sa mga batikos na binigay ng mga tao before. And I think I survive ‘yung mga first part of my career so I think na survive ko na ‘yun.”
 
Masaya rin daw si Yasmien na sa tulong ng StarStruck, nakahanap siya ng mga mabuting kaibigan tulad nila Jennylyn Mercado, Mark Herras at Rainier Castillo. 
 
Kuwento pa ng Kapuso actress na nakakatuwang isipin na kahit nasa competition daw sila noon, nanatili pa rin ang pagkakaibigan nilang lahat.
 
“Kasi nakita nila ‘yung true friendship. At the same time kahit friends tayo competition pa rin ‘to. We still compete with each other, alam naming competition 'yun pero kahit competition 'yun friends pa rin naman kami. Like hindi ‘yung tipong nagplaplastikan kami, we are true friends parang off-cam and oncam.” 
 
Nagugulat na lang daw silang magka-batchmates na pilit silang pinag-aaway-away. 
 
“Tapos pinag-aaway-away lang kami ng mga tao na natatawa lang kami, pero pagdating sa competition nagko-compete talaga kami.”
 
Bago matapos ang panayam, nagbahagi ng tips ang former Rhodora X star sa mga gustong sumali sa StarStruck. Payo niya, dapat daw maging natural lang ang mga contestants at ibigay nila ang best sa bawat challenges. 
 
“Sa tingin ko just be yourself, huwag kayong mag-pretend na ibang tao kayo and then try to do your best sa lahat ng task, sa lahat ng challenges and always pray to God”, saad ni Yasmien.