
Flattered ang Mommy Dearest actress na si Katrina Halili nang matanggap niya ang pinakaunang acting award matapos ang 21 taon sa industriya. Sabi ng aktres, ramdam niya ang appreciation sa kaniya ng mga manonood nang matanggap niya ang award.
Natanggap ni Katrina ang pinakaunang acting award niya noong March nang kilalanin siya bilang Best Supporting Actress sa 10th Emirates Film Festival sa United Arab Emirates para sa pelikulang Abe Nida.
Sa latest episode ng Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi ni Katrina na hindi niya inaasahan na makakatanggap pa siya ng acting award. Aniya, nasanay na siya na walang recognition o kaya naman madalas ay sa sexiest award lang ang natatanggap niya.
“Tinanggap ko na 'yung matagal na okay, wala, ang tagal na kasi, mag-e-expect pa ba ako? Pero nung nanalo ako, parang nakaka-flatter talaga kasi 'di ba, para manalo ka ang tagal-tagal ko na, 21 years,” pag-alala ni Katrina.
Pagpapatuloy ng aktres, “Ang dami kong project tapos ito at saka siyempre ang daming pinagpilian. Di ba sinala din nila. Nakakatuwa na napansin din nila 'yung ginawa ko.”
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NANALO RIN NG INTERNATIONAL ACTING AWARDS SA GALLERY NA ITO:
Masaya umano si Katrina nang matanggap niya ang kauna-unahan niyang award dahil naramadaman niya kung gaano siya na-appreciate ng mga tao ang mga ginawa niya.
“I mean na-appreciate naman ng iba. Like sa social media, alam mo 'yung mga tao di ba sabihin, ganda ganyan. Pero iba 'yung meron kang award, di ba?” sabi ni Katrina.
Pag-amin ni Katrina, akala niya noon ay “wala lang” ang makakuha ng award ngunit napatunayan niyang “iba pala” 'pag nakuha mo na.
“Never naman ako nag-expect. Ano lang ako, basta gagawin ko lang. Happy. Mas maganda 'yung walang expectation,” sabi niya.
Pakinggan ang buong panayam kay Katrina rito: