Showbiz News

Carla Abellana na-homesick at naging mas independent sa Singapore

By MICHELLE CALIGAN

 
Kamakailan ay ipinalabas na ang episodes ng My Destiny na kinunan sa Singapore. Sa bansang ito nagdesisyon si Grace (Carla Abellana) na magtrabaho para makalayo kay Matthew (Tom Rodriguez) at matigil na rin ang away nila ng kapatid na si Joy (Rhian Ramos). Dito rin sila muling magkikita ni Jacob (Sid Lucero) na tutulong sa kanyang muling pagbangon.
 
Sa taping ng Ismol Family ay kinamusta ng GMANetwork.com si Carla sa naging experience nila sa tinaguriang Lion City.
 
"Mahirap siya, kasi bukod sa kaunti lang kayo, medyo dumadami ang roles mo. Hindi 'yung roles na character ha. Dumadami ang roles ng mga tao, nagmu-multitask, nagko-compensate for the absence of the other crew and staff members. Mahirap kasi bitbit mo lahat ng gamit mo, wala kang mga assistant, ikaw talaga lahat, ikaw lang talaga ang tutulong sa sarili mo," kuwento ng aktres.
 
Nakatulong din daw ang pagiging malayo niya sa kanyang mga mabibigat na eksena.
 
"Siyempre, mabibigat ang ibang eksena doon, you are far away from home although nakatulong naman 'yun kasi medyo na-homesick ako. Mahirap pero at the same time, nag-enjoy naman kami. Sulit na sulit ang pag-tape namin sa Singapore."
 
Sa kuwento ay nagkabati at nagkapatawaran na ang magkapatid. Ano naman ang masasabi niya sa kanyang onscreen sister na si Rhian Ramos?
 
"Rhian is very good in drama. Nagulat din ako sa kanya. Mabilis siya ma-motivate, she really listens to the acting coach, she's very patient so madali siya kaeksena. I would say na mas close na kami ngayon, mas nakikilala namin ang isa't isa. Walang problems whatsoever in working with Rhian."