Showbiz News

Paano nabago ng 'Ang Dalawang Mrs. Real' ang buhay mo?

By MICHELLE CALIGAN
 
Sa pagsisimula ng huling linggo ng Ang Dalawang Mrs. Real, ibinahagi ng cast ang mga karanasan nila sa paggawa ng primetime teleserye, pati na rin ang kanilang mga natutunan mula sa show.
 
Paano nga ba nabago ng kuwento nina Anthony, Millet, Shiela at ng mga taong nakapaligid sa kanila ang buhay ng mga artistang bahagi ng Ang Dalawang Mrs. Real?
 
Dingdong Dantes: "As an actor, masasabi ko na ito 'yung pinaka-challenging na nagampanan kong role. Parating mahirap naman 'yun habang tumatagal pero ito matindi dahil it deals with very complex characters na very complex ang pinagdadaanan, ang kanilang struggles, lalo na that I'm in the middle of two very important situations. It's hard but yet fulfilling. I consider this as one of my most memorable projects."
 
Lovi Poe: "Bucket list ko na makaeksena si Ms. Maricel Soriano, and hindi ko lang siya nakaeksena, nasampal pa niya ako and everything else. Bilang artista, it's a privilege for me. Bilang tao, nagbago 'yung tingin ko when it comes to relationships because usually most girls will live in this certain fantasy that love is a fairy tale. But then, in reality it's not. You have to work really hard to make a relationship work."
 
Marc Abaya: "Working on this show has forced me to review my life, review my choices. Kasi again, 'yung role ni Dumlao is very konsintidor, and I find myself personally being able to relate to what Anthony is going through. I'm just glad that I am where I am, and I'm grateful that I was given this role. It has made me a better person kasi binibigyan ko ng halaga 'yung relationship ko ngayon."
 
Susan Africa: "It's helping me grow as an artist with the difficult and intense scenes that I am a part of. As a person, parang dati close-minded din ako sa mga kabit. Pero now, there's no right or wrong. You can't take sides, you just have to understand people that you meet in life. Lahat tayo may kanya-kanyang kuwento kaya lahat may point of view. Dapat irespeto natin kung ano ang nangyari sa buhay nila."
 
Diva Montelaba: "Dito sa show na 'to ko na-realize na ang hirap palang magmahal talaga. Kasi ambilis talaga nating sabihin kapag nanonood tayo ng TV na 'Ano ba Shiela, let go. Tigilan mo na 'yan.' Pero na-realize ko kapag nasa eksena ako at naiintindihan ko si Shiela, ang hirap pala talagang bitawan ang feelings mo sa isang tao. Hindi mo talaga matuturuan ang puso. Bilang aktor, mas natutunan ko dito 'yung mas mag-connect pa sa ibang actors. Thankful ako sa mga nakatrabaho ko dito. Sobrang giving nila when it comes to emotions."
 
Huwag palampasin ang huling linggo ng Ang Dalawang Mrs. Real, pagkatapos ng My Destiny sa GMA Telebabad.