Nagbabalik sa GMA Primetime si Tao Sattaphong, ang Thai actor and singer na kinagiliwan ng lahat.
Ipinanganak noong May 3, 1990 si Phiangphor Sarasathapheng sa Kalasin, Thailand.
Mas kilala siya sa screen name niyang Tao Sattaphong. Naging matunog ang kanyang pangalan nang gawin niya ang Thai adaptation ng K-drama na 'Coffee Prince'.
Kilala rin sa pagkanta si Tao, na sumali sa singing reality show na True Academy Fantasia Season 8.
Nitong 2019, dumalaw si Tao sa Pilipinas para sa Thailand Week Expo 2019 sa Pasay City.
Noong 2018, ginanap ang kanyang first solo event sa Pilipinas, ang Prince Tao: The Royal Fan Convention.
Bumisita rin ang Thai superstar noong 2018 sa Kapuso network at nakasama ang ilang GMA Executives.
Napanood sa GMA Heart of Asia si Tao sa Thai adaptation ng 'Princess Hours,' kung saan nakatambal niya si Pattie Sirapatsakmetha.
Kilala rin siya bilang pop star sa Thailand.
Mahilig din si Tao sa sports na basketball at soccer.
Malapit nang mapanood muli sa GMA Primetime si Tao, kasama ang Thai actress na si Baifern Pimchanok. Abangan sila sa 'Wicked Angel,' soon on GMA!