Showbiz News

Kim Jae Won returns to the small screen in 'May Queen'

By AEDRIANNE ACAR 
 
Mga fans ni Kim Jae Won don’t you worry, dahil ang veteran Korean actor ay muling mapapanood sa Philippine TV with the latest Korean drama ng GMA-7, 
ang May Queen.
 
Kung nasubaybayan niyo ang kuwento ng buhay ng kisaeng (Korean female entertainer) na si Hwang Jini, na pinalabas noong taong 2007, maaalala niyo ang opisyal na bumihag sa puso niya na si Kim Jung Han na ginampanan ni Kim Jae Won. He plays Sam Kang in May Queen.  
 
Born on February 1981, pinasok ni Kim Jae Won ang Korean entertainment industry taong 2001 through the television show Honey Honey at sunud-sunod na ang mga ginawa niyang projects mula noon.
 
Marso 2009 nang iwanan ni Kim ang showbiz dahil kinailangan niyang pumasok sa Korean military, na isang mandatory obligation para sa lahat ng lalaking Koreano. Natapos niya ang kanyang military duties noong 2011.
 
For his comeback project, he worked with actress Hwang Jung Eum sa drama na Can You Hear My Heart. He is now married to his childhood friend Park Seo Yeon, who was already pregnant at the time of their wedding on June 2013. 
 
With his killer looks and infectious smile, maraming Kapuso ladies ang kikiligin sa mga episode ni Sam Kang sa May Queen. Masabi kaya niya ang lihim niyang pagtingin kay Delmar Cheon?
 
Pakatutukan ang mga painit na painit na mga eksena sa May Queen pagkatapos ng Dading.