Showbiz News

'Sobrang nakakaiyak po' – Jillian Ward on ‘Miracle in Cell No 7’

By EUNICIA MEDIODIA 

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Sa Linggo na ipapalabas ang inaabangang Korean blockbuster movie na Miracle in Cell No. 7.
 
Nakapanayam ng GMANetwork.com ang My BFF star na si Jillian Ward tungkol dito. At napag-alaman namin na at a young age ay naiintindihan niya na ang tema ng pelikulang ito.
 
“Sobrang nakakaiyak po.. [tapos na] ‘yong movie, iyak [ako] ng iyak,” sagot niya nang tanungin kung ano ang naramdaman niya habang nanonood ng Miracle in Cell No.7.
 
Ayon kay Jillian, gustong-gusto niya ang karakter na ginampanan ni Yong-gu dahil kahit may kapansanan ito, kitang-kita kung gaano niya kamahal ang kanyang anak na si Ye-sung.
 
Ano ang gusto niyang scenes sa kanyang napanood?
 
“’Yong tatay po na papatayin na po siya sa electric chair. Tapos hinahabol niya po ‘yong anak niya doon po talaga umiyak ako,” kuwento niya.
 
Pagbahagi pa ni Jillian dahil sa pelikulang ito na-realize niya na, “Importante po talaga ang family. At saka love na love po nila ang isa’t isa.”
 
Alamin kung ano ang scene na tinutukoy ni Jillian Ward sa Miracle in Cell No.7 ngayong Linggo ng umaga sa Kapuso Movie Festival.