Showbiz News

‘Ang Dalawang Mrs. Real’: Kuwento ng mga pamilyang naipit sa trahedya

By CHERRY SUN

 
Sa nalalapit na pagtatapos ng Ang Dalawang Mrs. Real, inaabangan na kung ano ang magiging kapalaran ng mga karakter ng naturang palabas, lalo na ng katauhan ni Anthony Real.
 
Sa panayam ng Unang Hirit, ibinahagi ni Dingdong Dantes na gumaganap bilang Anthony, “Malalaman natin kung ano magiging kapalaran ni Anthony Real sa mga pinaggagagawa sa buhay. More to it, it’s a story of families na nandito sa gitna ng mga trahedya, so aalamin natin kung papano matatapos at kung papano mag-aayos-ayos ang lahat ng mga tao dito.”
 
Sa hiwalay na panayam ay ikinwento naman ni Tommy Abuel sa 24 Oras, “It’s going to be an intelligent and mature ending. 'Wag ninyo i-expect na sasabog ang buong barangay.”
 
Ang dalawang leading ladies ni Dingdong, napapa-reminisce na rin sa mabuting pinagsamahan ng cast. 
 
Si Diamond Star Maricel Soriano, maliban sa sampalan at iyakan, ay hahanap-hanapin daw ang kulitan sa set.
 
Pagsang-ayon ni Lovi Poe, “[Mami-miss ko] ‘yung daily routine at siguro being with everyone here sa set kasi kahit drama ‘yung pinapalabas namin eh behind the camera, masaya kaming lahat dito.”
 
Ano naman kaya ang kanilang maipapayo kay Anthony Real?
 
“He committed a mistake and I hope, bilang Shiela ‘to, na maging malakas siya dahil sa pinagdadaanan niya ngayon,” ani Lovi.
 
Saad naman ni Diva Montelaba, best friend ng katauhan ni Lovi, “So dapat meron siyang isang mahal na kaya niyang ipaglaban talaga kasi meron at meron siyang masasaktan eh, ‘di ba. So dapat i-take niya ‘yung risk na ‘yun and then say sorry kung kanino man siya dapat mag-sorry.”
 
“Kung ano man ang mangyayari kay Anthony, dapat tanggapin niya ng buong-buo dahil sa kanya nagsimula ang lahat ng ito,” sambit ni Susan Africa na ina ng karakter ni Lovi.
 
At pagtatapos ng tatang niya, na ginampanan ni Tommy Abuel, “Unang una, kung ano man ang kasalanang nagawa niya eh aminin niya. At next time, 'wag ka na kumuha ng kabit.”