Showbiz News

Ano-ano ang mami-miss ng cast ng 'Ang Dalawang Mrs. Real'?

By MICHELLE CALIGAN
 
Naging malapit ang cast ng Ang Dalawang Mrs. Real sa isa't isa, at sa pagtatapos ng primetime series na ito ay ibinahagi nila ang mga tao at karanasang hindi nila malilimutan.
 
Ano nga ba ang mami-miss nina Dingdong, Alessandra, Celeste, Susan at Diva sa Ang Dalawang Mrs. Real?

Dingdong Dantes: "Siyempre lahat, everything about it. 'Yung pagiging mahirap niya, pagiging masaya niya, at 'yung timing din dahil dumating siya sa tamang panahon kung saan 'yung mga issues na ganito ay nagiging bukas na sa ating mga viewers na mapag-usapan, matalakay at matanggap, at later on ay may mapupulot tayo dito para matutunan natin at the end of the day."


Alessandra de Rossi: "Lahat, naging friends ko naman lahat. Siyempre ang lagi kong kaeksena si Millet, so automatic talaga na close kami. Si Lovi, siyempre matagal na kaming magkaibigan niyan. Si Direk, ang production designer na si Paul Infante. Lahat mami-miss ko talaga."
 

Celeste Legaspi:
"Working with Maricel. I really like working with her. As actors, we take time to really open up to each other. Pero with Maricel, she was immediately open with me and that makes the work so easy. She's accepting me as her mother immediately, at immediately may connection kami. I'll miss working with her. I'll also miss working with Robert, Coney, she's really very sweet. And I'll miss being with the staff and crew because everybody has been so sweet and so attentive and so nice."

Susan Africa: "Mami-miss ko ang samahan, ang directors, ang staff at crew. Mami-miss ko mga writers dahil napakahusay nilang sumulat, nai-inspire ako every time I read the lines."


Diva Montelaba: "Mami-miss ko si Tita Susan kasi sobrang bait niya. She's so nice, sobrang matulungin siya sa mga scenes. Earlier, I did a scene with her at sobrang giving niya. She's just so nice kaya mami-miss ko siya at mga kuwento niya about life and acting."
 
Abangan ang huling gabi ng Ang Dalawang Mrs. Real bukas, pagkatapos ng My Destiny sa GMA Telebabad.