GMA Logo Sherilyn Reyes Tan
What's Hot

Sherilyn Reyes-Tan, natangayan ng P37M dahil sa scam

By Hazel Jane Cruz
Published November 20, 2024 10:09 AM PHT
Updated November 20, 2024 10:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Sherilyn Reyes Tan


Alamin kung paano na-swindle ang aktres na si Sherilyn Reyes-Tan.

Sa latest episode ng cooking-talkshow ng GTV na Lutong Bahay, all-out ang revelations ng Kapuso actress na si Sherilyn Reyes-Tan sa kaniyang personal na buhay.

Kinuwento rin nito kina Mikee Quintos at Kuya Dudut na biktima rin siya ng scam dahil sa kaniyang negosyo sa pagbebenta ng mga luxury bags online.

“Mayroon akong ka-deal for two years, okay naman kami. It's just that nagkaroon din siya siguro ng ibang mga challenges [at] ibang mga offers na hindi naman niya na-disclose lahat,” kuwento ni Sherilyn kina Mikee at Kuya Dudut.

Dagdag nito, “Doon nag-umpisa na, siyempre, nadamay na kami na mga suppliers niya.”

Hindi rin itinago ni Sherilyn ang katotohanan at binunyag na umabot ng P37M ang natangay sa kaniya dahil sa negosyo.

Dagdag pa sa kinaharap na challenges ni Sherilyn ay ang COVID-19 pandemic.

“Start from zero kami,” ani Sherilyn, “Medyo malaki talaga 'yung amount tapos [dumoble] pa because nag-pandemic so nagkaroon ng interest.”

RELATED GALLERY: CELEBRITY LIVE SELLERS

Bukod sa scam sa pagnenegosyo, nabanggit din ni Sherilyn ang naranasang scam mula sa kaniyang personal assistant.

“Siguro dahil P.A ko siya,” ani Sherilyn, “pag P.A .mo kasi, trusted mo tapos five years [nang katrabaho]. Pero ito naman, parang sumobra rin because hinahawakan niya na 'yung ATM [card] ko.”

Subalit sa pagkakataong ito, sinabi ni Sherilyn na hindi na niya alam ang kabuuang halaga ng natangay sa kaniya ng personal assistant niya.

Aniya ay napansin na lamang niya na hindi na nagtutugma ang laman ng kaniyang bank account. Mayroon din siya umanong mga damit at bags na “nawala” at tinago ng kaniyang personal assistant.

Sa kabila ng nangyari ay nilinaw ni Sherilyn na umalis ang kaniyang personal assistant nang maayos at nagkaroon ng maayos na pag-uusap sa pagitan ng dalawang panig.

Mapapanood si Sherilyn Reyes-Tan sa upcoming fantasy series ng GMA Network na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

RELATED GALLERY: 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' Story Conference