GMA Logo Polo Ravales in Lutong Bahay
What's Hot

Polo Ravales, handa pa bang sumabak sa sexy roles?

By Hazel Jane Cruz
Published November 20, 2024 11:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan proposes record budget spending while curbing fresh debt
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Polo Ravales in Lutong Bahay


Alamin ang plano ni Polo Ravales tungkol sa kaniyang career.

Umaatikabong chikahan ang naganap sa nakaraang episode ng cooking talk show na Lutong Bahay nang katukin nina Mikee Quintos at Chef Ylyt ang bahay ng Filipino actor na si Polo Ravales na sinamahan ng kaniyang fiancée na si Paulyn Quiza.

Game silang nakipag-chikahan sa Lutong Bahay team tungkol sa karera ni Polo bilang artista pati na rin ang kaniyang love life.

Ayon kay Paulyn, wala siyang pinagseselosan sa mga naging ex-girlfriends ni Polo Ravales, ngunit naging open ito sa isang kondisyon niya tungkol sa work setup ni Polo.

“Parang wala [akong pinagselosan] kasi parte 'yun ng buhay niya, pero except lang, siyempre, sasabihin ko lang sa kaniya na 'oh, wala nang mga pa-sexy [roles]'” kuwento ni Paulyn.

RELATED CONTENT: IN PHOTOS: Meet Paulyn Quiza, the fiancée of Polo Ravales

Matatandaang naging mainit ang pangalan ni Polo Ravales noong '90s at early 2000s dahil sa kaniyang mga daring at sexy roles sa TV at pelikula.

Ayon naman kay Polo, may chance pa ring sumabak siya sa mga sexy roles basta masunod ang mga kondisyon ni Paulyn.

Kuwento niya, “If ever na magpapa-sexy ako, depende sa partner (Paulyn). Kumbaga, dapat mabasa niya muna 'yung script.”

Bukod sa pagganap sa mga sexy roles ay bumida rin si Polo sa hit GMA fantasy series na Encantadia. Proud din niyang sinabi na naging “pivotal” ito sa kaniyang acting career.

“Number one TV show ng GMA before 'yun eh,” ani Polo.

Nakatambal niya rito ang kaniyang ex-girlfriend na si Sunshine Dizon, pero nilinaw niya na hindi sila naging awkward sa set. “I've been friends with her naman,” kuwento ni Polo, “Wala kaming bad blood ni Shine, so okay kami noong magkasama kami sa Encantadia.”