Showbiz News

Kevin Santos falls for an older woman?

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Kuwela ang tambalan nina Mama A (Carmi Martin) at Lance (Kevin Santos) sa Sunday night comedy program na Ismol Family. Tila pinuputakti ng langgam ang dalawa tuwing nasa eksena ang cougar lola at young beefy boyfriend niya.
 
Todo ang tawanan kapag nakisali pa si Pekto who plays Bobong in the same sitcom.
 
Sa panayam ng GMANetwork.com sa former StarStruck finalist, ikinuwento ni Kevin na bago sila sumabak sa taping ay nag-uusap muna sila nina Carmi and Pekto on how will they do the scene.
 
Ani Kevin, “Pinapraktis namin ‘yung ginagawa naming eksena and kasi ‘yung script kasi maganda and talagang riot 'pag ginawa namin at the same time automatic na lang lumalabas kung ano man ‘yung [natural], kasi parang sitcom naman ‘to so lahat puwede namin gawin.”
 
Hangang-hanga ang Kapuso comedian sa veteran actress na si Ms. Carmi Martin dahil all-out daw ito sa pagpapatawa at si Pekto naman ay effortless talaga ang pagko-comedy.
 
“Lalo na kay Tita Carmi hindi ko ine-expect na ginagawa niya 'yung mga ganun klaseng bagay and kay Kuya Pekto naman, naku natural talaga na sa kanya 'yung mga ganun.”
 
Tinanong din namin ang binata kung tulad ng karakter niya sa Ismol Family ay puwede rin ba siyang ma-in love sa isang older woman.
 
Sagot ni Kevin, “Hindi naman imposible. Siyempre wala naman tayong magagawa kung ma-in love tayo sa ganung age and love 'yan eh so walang age. Sabi nga nila, age doesn’t matter.”
 
Huwag niyong palampasin ang season two ng Ismol Family. Abangan ang mas nakakabaliw na eksena nina Lance at Mama A every Sunday pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko.