Showbiz News

Bettinna Carlos shares how she tries to fix a recipe glitch

By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Dahil na-try na ni Bettinna Carlos ang baking at pati na rin ang cooking para sa Idol sa Kusina, ano kaya ang kanyang ginagawa kapag may recipes siyang pumapalpak?
 


“Everyday I try to cook at least once. Usually dinner kasi kapag hapon nasa school 'yung anak ko. That's the only time I have na the house is all to myself. Nakakapagluto ako,” pahayag ni Bettinna.
 
Most of the time, baking pa rin ang pinagkakaabalahan ni Bettinna dahil ito ang kanyang business.
 
Pero para sa blooming mom, mas madali ang adjustments sa cooking. Aniya, “Ang kagandahan lang sa cooking na mahirap sa baking, is madaling habulin ang lasa. Kapag nagkamali ka kunyari matabang, salt ka lang. Or kapag sobrang alat naman dagdag ka ng iba or bawas ka sa iba.”
 
Dagdag ni Bettinna, “Dito mas manageable 'yung failure sa cooking talaga. So far, wala pa namang disappointing kaya siguro lalo akong naienganyo na magluto.”
 
Sa baking umano, ibang klase ang proseso. Mas mabusisi ito sa cooking.
 
“Sa baking kasi kapag nagkamali ka ng isang ingredient, affected 'yung end result. You have to repeat the whole thing. The whole batter.”