Showbiz News

Gora na sa live chat nina Mareshki Gabby Eigenmann at Gardo Versoza!

By AL KENDRICK NOGUERA

 
Mga Mareshki, ito na ang hinihintay ninyong pagkakataon na maka-chikahan ang kapwa ninyong mga Mareshki ng Dading na sina Gabby Eigenmann at Gardo Versoza! Mag-log on lang sa GMANetwork.com/livechat this Wednesday, September 24, 2014, from 2:00 p.m. to 4:00 p.m. (Philippine time)
 
Itinuturing ni Gabby at Gardo na first gay role ang ginagampanan nila ngayon sa Afternoon Prime soap na Dading. Ayon kasi sa kanila, ito ang unang full-length nilang pag-arte bilang mga bading. Pero base sa reaction ng viewers, hindi naman daw mukhang freshmen sina Gabby at Gardo sa gay roles dahil achieve na achieve na nila ang characters nilang sina Cading at Mother Lexi.
 
Gabby Eigenmann as Carding
 
Noong nasa college si Carding, matipuno siya at nanliligaw pa nga ng babae. Girlfriend niya nga noon si Beth (Glaiza de Castro). Pero nang matapos niya ang kolehiyo, may isang pangyayari na nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. Nagkagusto siya sa isang lalaki! Noong una ay hindi niya maamin kay Beth ang katotohanan pero nilakasan niya ang loob para hindi na tumagal ang kanilang relasyon.
 
Galit ang naramdaman ni Beth kay Carding at tuluyan na silang naghiwalay. Pero makalipas ang ilang buwan, muling nagkasundo ang dalawa dahil talagang mag-best friends sila. Tanggap na ni Beth si Carding at mayroon na rin siyang bagong boyfriend. ‘Yun nga lang, iniwan siya nito nang malamang buntis siya. Kahit na bading si Carding, nagpakalalaki siya at kinuha ang responsibilidad na maging ama ng anak ni Beth na si Precious. Nagpakasal ang dalawa para may kalakihang ama ang bata.
 
Gardo Versoza as Mother Lexi
 
Si Mother Lexi naman ang parang fairy godmother ni Carding. Parang siya yata ang dahilan kung bakit naging dyosa ang dati’y habulin ng girls! Ayaw ng tatay ni Carding sa kanya dahil ang tingin niya sa mga bading ay salot sa lipunan.
 
Sa huli, si Mother Lexi pa rin ang nagiging sandalan ni Carding. Sa tuwing mayroon siyang problema, laging naroon ang kanyang Mareshki. Tinulungan pa nga siya nitong manalo sa isang gay beauty contest para makatulong sa pinansyal nilang pangangailangan.
 
Kung sobra kayong pinapasaya nina Carding at Mother Lexi sa Dading, mas pasasayahin nila kayo sa GMANetwork.com Live Chat dahil sila mismo ang sasagot sa mga tanong ninyo!
 
Just log-on at GMANetwork.com/livechat tomorrow, September 24, 2014, from 2:00 p.m. to 4:00 p.m. to be part of this exclusive event.