GMA Logo Bunak at Bilog
Photo by: danigirl0_0 TikTok, Daniela Tiongson
What's Hot

Glow-up at remake ng viral video nina Bunak at Bilog, patok sa netizens

By Kristine Kang
Published November 26, 2024 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Regional TV News (December 18, 2025)
Got complaints vs. gov't employees? AI bot Tala is here to help
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Bunak at Bilog


Meet Bunak and Bilog version 2.0!

Muling naaliw ang netizens sa kulitan ng magkapatid na sina Bunak at Bilog Tiongson.

Sa kanilang TikTok account, inulit ng dalawa ang kanilang 2017 viral video, kung saan nag-away ang dalawa on camera.

Matatandaang nag-umpisa ang asaran o awayan nang pinagtripan ni Bunak si Bilog habang kumakanta ito ng Tagalog version ng "Dance with My Father." Dahil sobrang nakukulitan na si Bilog kay Bunak, hinampas niya ito at pinagalitan. Pumalag naman ang kanyang kapatid at umabot ang kanilang awayan sa sumbungan sa kanilang ina.

Binalikan ng magkapatid ang kanilang viral moment habang nili-lip sync ang kanilang batang boses at ginagaya ang kanilang awayan.

Nag-trend ang remake ng video sa social media at umabot ito ng 9.8 million views. Maraming netizens ang nag-react at nagkomento sa post. Karamihan sa kanila ay nagulat sa paglaki ng dalawang bata.

Meron pa ngang nagsabi ng, "Feel ko ang tanda ko na, ang laki n'yo na" o kaya "Hala OMG sila na ba talaga ito?"

May ilan ding netizens na natuwa nang makita ang graduation photos ng kanilang pamilya sa background. Komento nila, masaya raw silang makita na masagana at maayos ang buhay ngayon ng magkapatid.

@danigirl0_0

REMAKE✌🏻✌🏻✌🏻✌🏻

♬ Bilog at Bunak Noong akoy bata pa - Noel Depoldo Jr.

Samantala, may pa-glow-up reveal si Bilog sa kanyang TikTok video noong November 14.
Kasama ang kanyang litrato mula sa kanilang viral video, ipinakita ni Bilog ang iba pa niyang pictures mula pagkabata hanggang sa kanyang pagdalaga. Inaalala rin ni Bilog ang isa sa kanyang iconic lines sa captions, "Mama si Bunak, sinuntok ako sa likod."

Marami ang hindi makapaniwala sa kanyang glow-up at nagulat na lamang sa mabilis na paglipas ng panahon. Ilan sa mga komento ay, "Dito ko na realize na [ang tanda] ko na pala talaga kakaloka," "my childhood omg," "ganda," at "THE ICONIC DIVA."

Ang kanyang video ay umabot na ng mahigit 600,000 views at 21,000 heart-reacts.

@danigirl0_0

BWHAGAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHA MAMA SI BUNAK SINUNTOK AKO SA LIKOD🫵🏻🫵🏻🫵🏻

♬ original sound - khadeejas