Showbiz News

Arthur Solinap at Mikael Daez, nag-click agad sa trabaho

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Tatayong best friend ni Mikael Daez si Arthur Solinap sa upcoming afternoon series na Ang Lihim ni Annasandra.

First time niyang makakatrabaho ang Midnight Express host pero agad naman daw silang nag-click.

"Siyempre best friend, gusto ko 'yung peg parang pinsan ko 'yung mga nakakasama ko. Noong una pa lang, nag-connect na kami. At 'yung acting coach niya, sabi 'Parang ang close niyo na.' Siguro nga dahil nagba-basketball kami every Sunday," kuwento ni Arthur in an exclusive interview with GMANetwork.com.

He also shared details about his role.

"Ako ang best friend ni Mikael na doctor. Lahat ng secrets niya at mga plano niya kay Annasandra sa akin niya sinasabi. Tawag nga nila parang konsensiya. Sasamahan ko siya sa lahat ng adventures niya, sa paghahabol niya kay Annasandra."

Ang Annasandra na tinutukoy niya ay gagampanan ng ka-loveteam ni Mikael na si Andrea Torres.

Hindi rin daw siya nahirapang mag-adjust sa kanyang character.

"Hindi naman, mga unang taping lang. Siyempre nag-a-adjust. Kasi di ba, parang naglalaro na lang sa Pepito. Lahat naman ng naging work ko dati serious ang role, minsan kontrabida."

Both actors play offbeat roles in their other shows, namely Ismol Family for Mikael and Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento. Nagbigayan pa sila ng tips?

"Sabi ko nga sa kanya, 'Ba't hindi ka mag-guest sa Pepito?' Mag-crossover, ginagawa naman 'yun. May nagsabi na rin daw sa kanya."

Dagdag pa niya, "Sa kanya kasi, out 'yung character niya. Sa akin, hindi. Kapag tinatanong kung bakla, lagi kong sinasabi na hindi. Parang ganun lang siya. 'Yung mga hirit niya pang-bakla, pero hindi talaga bakla si Robert."