
“Okay lang. Congratulations, guys!”
Iyan ang pabirong sagot ng aktres na si Maui Taylor nang kumustahin ni Lutong Bahay host Mikee Quintos ang kaniyang pagiging sexy icon na kinikilala ng marami.
“Hindi mo maiiwasan 'yung [reaksiyon], kasi nga, siyempre, babae ngang nakabihis ng balot na balot, pinagpapantasyahan; what more 'yung kami na nagse-sexy roles?” dagdag ni Maui.
Ngunit matapos ang halos apat na dekada sa showbiz, sinabi Maui na handa na siyang mag-transition sa iba pang mga roles, tulad ng pagiging kontrabida sa pelikula at telebisyon.
Kuwento ni Maui, “Now, talagang transitioning na to different roles, tulad nito, kontrabida ako sa GMA for the longest time. Puro kontrabida na talaga, so nagta-transition na talaga.”
ELATED GALLERY: Kapuso stars at ang kanilang kontrabida roles
Pagdating naman sa kaniyang mga anak, sinabi ni Taylor na handa siyang sabihin sa mga ito ang kaniyang pagiging sexy icon sa industriya.
“Feeling ko wala pa silang nakikita [na isa akong sexy icon], but I'm ready to [tell them] when the time comes. Kasi 'yung eldest ko, 11 years old, naku, kaunti na lang 'yan, magtatanong na 'yan,” ani Taylor.
Matatandaang nagsimula si Maui sa showbiz sa murang edad, pero mas nakilala nang maging miyembro ng Filipino pop girl group na Viva Hot Babes.
Ngayon, isa si Maui sa mga gaganap sa pagdating ng ikalawang season ng Lolong, ang Lolong: Bayani ng Bayan kasama sina Ruru Madrid, Shaira Diaz, Jean Garcia, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Mikoy Morales, Alma Concepcion, at iba pa.