
Mahigit tatlong dekada na ang nakaraan pero kilalang-kilala pa rin ang hit songs ng pop group na Smokey Mountain, na binuo ng National Artist for Music na si Ryan Cayabyab.
Kabilang dito ang “Da Coconut Nut,” “Kailan,” “Paraiso,” at “Can This Be Love.” Sa katunayan, ilan sa mga bagong henerasyon ng P-pop group ang nag-revive ng mga ito--katulad ng “Da Coconut Nut” na kinanta ng BINI.
Masaya naman ang Smokey Mountain members na sina Geneva Cruz at Jeffrey Hidalgo na malaman ito.
Ayon kay Geneva, “Creation 'yan ni Maestro Ryan Cayabyab, so labas kami sa kung ano ang gusto niyang gawin sa mga kanta. Pero as an artist, I really like the fact that the younger generations are singing our songs. Ang sarap kasi ibig sabihin classic talaga yung mga kanta at binibigyan nila ng bagong flavor.”
Kuwento pa niya, kahit ang anak niyang si London ay gustung-gusto ang “Kailan.”
“My daughter, who is 10 years old, ang favorite niyang kanta is 'Kailan.' As in kapag may karaoke, 'Mommy, can you please sing 'Kailan'? Please sing 'Kailan.' That's my 10-year-old daughter.
“I think, music is universal. So, kahit sino puwedeng kantahin ang mga kanta namin.”
Ganito rin ang naging reaksiyo ni Jeffrey sa mga nagbibigay ng bagong version ng kanta niyang “Can This Be Love.”
Aniya, “Until now, we're just so fortunate to have been part of the Smokey Mountain. Noong kabataan namin, hindi namin nage-gets. We're just happy to be part of that group, which we wanted to sing and perform. Hindi namin alam it will trickle down to three or almost four decades na.”
Nakausap ng GMANetwork.com at iba pang entertainment media sina Geneva at Jeffrey sa launch ng bagong Christmas single ng una, ang “When Christmas Comes,” noong Miyerkules, December 11.
Nabuo ang grupong Smokey Mountain noong 1989. Bukod kina Geneva at Jeffrey, bahagi rin ng grupo sina Tony Lambino at James Coronel. Kinalaunan naging parte rin sina Anna Fegi, Chedi Vergara, Shar Santos, at Jayson Angangan.
Related gallery: Smokey Mountain members, where are they now?
Samantala, inamin ni Geneva na maraming nag-o-offer ng reunion para sa Smokey Mountain. Pero hindi raw ito matuluy-tuloy dahil may isang miyembro pa silang inaawitan na magbalik sa pagkanta.
Sabi ng singer-actress, Maraming offers talaga na mag-reunit ang Smokey Mountain. Pero kasi may isa pa kaming member na nililigawan, who is James Coronel.
“James, hi. Baka naman sa 2025 puwede ka nang sumama sa amin para matuloy na 'tong reunion na 'to.'
“Siya na lang ang hinihintay namin. Kasi, James is a successful businessman. Alam naman natin na si Tony Lambino ay presidente ng Ayala Foundation, pero game naman 'yan. Magkakasama kami sa Ayala Christmas Party on the 13th. So, James, ikaw na lang talaga ang hinihintay namin for the Smokey Mountain reunion.”
Balikan ang pagbisita nina Geneva, Jeffrey, at Tony sa Fast Talk With Boy Abunda rito: