Showbiz News

‘Cine Totoo’ ng GMA News TV Simula Na

Labing-isang de-kalidad na mga dokumentaryo mula sa Pilipinas kasama ang pito pang mula sa ibang bansa sa Southeast Asia ang napapanood ngayon sa mga piling sinehan sa Trinoma, SM Manila, at SM Megamall sa kauna-unahang Cine Totoo Philippine International Documentary Film Festival ng GMA News TV.

Kabilang sa 11 dokumentaryong tampok sa Philippine section ng Cine Totoo ang Agbalbalitok ni Ferdinand Balanag, A Journey to Haifa ni Nawruz Paguidopon, Ang Gitaristang Hindi Marunong Magskala ni Sigfreid Barros-Sanchez, Ang Walang Kapagurang Paglalakbay ng Pulang Maleta ni Richard Legaspi, Gusto Nang Umuwi ni Joy ni Jan Tristan Pandy, Kung Giunsa Pagbuhat ang Binsayang Chopsuey ni Charliebebs Gohetia, Komikero Chronicles ni Keith Sicat, Mananayaw ni Rafael Froilan, Marciano ni Ivy Rose Universe Baldoza, Migkahi e si Amey te, Uli ki pad ni Nef Luczon, at Walang Rape sa Bontok ni Carla Samantha Ocampo.

Mula sa mga ito ang mananalo ng Best Documentary Film, Special Jury Prize at Audience Choice Award. Bukod sa mapapanalunang trophies at cash prizes, ang mga magwawaging dokumentaryo ay mapapanood sa GMA News TV. Samantala, isa naman sa pitong dokumentaryo mula sa Southeast Asian section ang tatanghalin bilang Best Southeast Asian Documentary.

Tampok sa Southeast Asian Section ang dokumentaryong “To Singapore With Love" ni Tan Pin Pin ng Singapore na naging bahagi ng Berlin Film Festival's Forum Section at nagwagi ng Best Director sa Muhr Asia Africa Documentary section ng 10th Dubai International Film Festival.

Kasama rin sa kompetisyon ang dokumentaryo ni Misha Anissimov na “Once in a Lifetime: A Russian Song for Guiuan”, na tungkol sa kuwento ng sa isang kilalang Russian folk singer na si Nikolai Massenkoff na naging refugee noong bata pa siya sa Tubabao, Guiuan, Samar. Mapapanood dito ang pagbabalik ni Massenkoff sa Tubabao para tumulong at bumuo ng isang concert para sa mga sinalanta ng super typhoon Yolanda.

Ang iba pang mga dokumentaryong kasama sa Southeast Asian section ay ang “By The River” at “Boundary” na parehong gawa ni Nontawat Numbenchapol (Thailand), “Denok and Gareng” ni Dwi Sujanti Nugraheni (Indonesia), “War is a Tender Thing” ni Adjani Arumpac (Philippines), at “The Songs of Rice” ni Uruphong Raksasad (Thailand).

Kabilang naman sa festival jury ang award-winning indie film director na si Adolf Alix, Jr., screenwriter at director Dr. Clodualdo del Mundo, ang dokumentaristang si Ditsi Carolino, at si GMA First Vice President for Public Affairs at News TV Channel Head Nessa Valdellon.

Ang Cine Totoo Philippine International Documentary Film Festival ay nagsimula noong Setyembre 24 at mapapanood hanggang Setyembre 30. Para sa mga updates tungkol CINE TOTOO, sundan lang ang kanilang Facebook (www.facebook.com/cinetotoo