GMA Logo KMJS episode
What's Hot

KMJS: Pinay OFW sa Japan, agaw-buhay sa palpak na nose job

By Bianca Geli
Published December 17, 2024 10:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Hussein Loraña, Naomi Marjorie Cesar rule athletics' 800m events at 2025 SEA Games
Baste Duterte slams opening of unfinished road project
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

KMJS episode


Paano nalagay sa peligro ang buhay ng isang Pinay OFW matapos ang retoke sa ilong?

Ngayong panahon ng 13th month pay at Christmas bonus, regalo sa sarili ng marami ang pagpaparetoke.

Isa sa mga pamamaraan ng pagpapaganda ang rhinoplasty o pagpapatangos ng ilong. Sa halagang PhP 50,000 hanggang PhP 150,000, pwede na ma-achieve ang pinapangarap na ilong.

Ang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Japan na si Rosalie ay naisipan na magparetoke. Hindi niya inakala na aabutin ng milyon ang gagastusin niya dahil sa komplikasyon sa retoke.

Na-impeksyon ang kanyang ilong at nalagay pa sa bingit ng kamatayan si Rosalie. Kuwento niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, “Dalaga pa lang ako, gusto ko talaga magpatangos ng ilong. Ang ilong ko kasi noon, flat at medyo malaki sa gilid.

"Na-iinsecure ako. Kaya nag-decide akong magparetoke. Naglaan ako ng pera para doon,” dagdag pa niya. "Nu'ng makauwi ako ng Pilipinas, itinuloy ko na 'yung operasyon. Ang doktor, ni-recommend lang din sa akin. Pagkatapos ng operasyon, biglang sumama ang pakiramdam ko. Nahilo ako at nagsusuka na ako.

"Nu'ng sinugod ako sa hospital, hirap na akong huminga. Doon na ako nawalan ng malay at wala na akong maalala sa nangyari.”

Pagpapatuloy niya, "Hindi ko akalain na ganito kalala ang kahihinatnan ko. Halos na-deform na nga ang ilong ko, nagkaroon pa ng impeksyon. Ang pinakamatindi na nangyari sa akin, namatay ako nang 16 minutes.”

Ang nasa isip raw ni Rosalie ng mga panahong iyon, ang boses ng kanyang anak. "Ang nasa isip ko nun, 'yung anak ko na sinasabing 'Mama, lumaban ka.' Nung time na ni-re-revive ako, siguro binigyan talaga ako ng chance na mabuhay pa. Kasi maliit pa 'yung dalawang anak ko.

"Binigyan niya ako ng second life,“ pagbabahagi niya. “Kahit na naghilom na ang kanyang ilong, hindi pa rin niya makalimutan ang mga pinagdaanan. Mahigit isang taon na mula nung nangyari 'yun, pero hindi pa rin ako naka-recover. Umabot na sa 3 to 4 milyon pesos ang nagastos ko para sa lahat ng gamutan.

"Kinailangan ko ring magpa-dialysis kasi may blood infection din ako. Hindi na rin ako makapagsalita nang maayos. Hirap pa rin akong matulog, patihaya lang o sa kanan ako nakaharap dahil masakit ang tenga ko.

"Bumagsak rin ang self-confidence ko. Nawalan din ako ng trabaho. Halos one year and a half na akong hindi makapagtrabaho dahil humina na 'yung katawan ko,” kuwento pa niya.

Sa nangyari kay Rosalie, may pananagutan kaya ang aesthetic clinic na nag-opera sa kanya?

Alamin ang kasagutan sa KMJS: