Showbiz News

Ryzza Mae Dizon is one of DongYan's flower girls

By CHERRY SUN
 
Kapag na-finalize na nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang mga huling detalye ay handa na ang lahat para sa kanilang nalalapit na kasal.
 
Sa naganap na press conference ng Primetime Queen kahapon ay ikinuwento niyang ngayon ang food tasting nila ng kanyang husband-to-be na si Dingdong Dantes.

Sa post ni Marian sa kanyang Instagram account, sinabi niya: "tonight, we did some food tasting for the wedding. as days go by, and as we meet the essential people who will be with us in this journey...it really becomes more exciting! Thanks @teenabarretto for this shot..."
 

Magkakaroon din daw ng 22 na pares ng ninong at ninang sina Marian at Dingdong. Lima lang ang mga artista sa kanilang entourage at kabilang na rito si Ryzza Mae Dizon na isa sa mga magiging flower girls sa kanilang kasal.
 

Nitong Sabado lang ay sinorpresa si Marian para sa kanyang ikalawang bridal shower. Ito ay naganap ilang araw lang pagkatapos niyang umuwi galing sa una niyang bridal shower sa Hong Kong.

Noong September 20 naman ay nakipagkita na rin ang bride-to-be kay Michael Cinco, ang world-renowned Filipino designer na magdidisenyo ng kanyang wedding gown.