Showbiz News

Barbie Forteza on Ms. Pinky Marquez: 'Para siyang bagets'

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Marami ang problemang hinaharap ng character ni Kapuso actress Barbie Forteza sa The Half Sisters. Isa sa mga nagpapahirap kay Diana ay si Cleo, ang role ni Miss Pinky Marquez.
 
Sa kuwento ng Afternoon Prime soap, ipinakilala ni Bradley (Andre Paras) si Diana sa inang si Cleo. Hindi gusto ni Cleo si Diana para sa anak dahil hindi sila magka-level. Bukod pa rito, si Ashley (Thea Tolentino) ang gusto ni Cleo para sa anak.
 
Kuwento ni Barbie, kahit na puro pasakit ang ibinibigay sa kanya ni Miss Pinky 'pag take ay bumabawi rin naman daw agad ito tuwing offcam.
 
Pahayag ni Barbie, "Napaka-cool niya!"
 
Ikinuwento rin ni Barbie ang kalokohan ng veteran actress habang naka-standby sila sa taping ng The Half Sisters.