Showbiz News

‘Wala si Bernie kung wala ang Bubble Gang’ - Mikael Daez

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
One of the most promising comedians of his generation si Kapuso hottie Mikael Daez.
 
Matagumpay niyang nareinvent ang kanyang sarili mula sa pagiging modelo at ngayon sinusubukan naman ang kanyang galing sa pagpapatawa sa longest running gag show sa bansa ang Bubble Gang.

Siya rin ang athletic na gay friend ni Jingo Ismol na si Bernie sa Ismol Family.
 
Kuwento ni Mikael sa GMANetwork.com, matindi raw ang paghahanda niya tuwing may taping ng Bubble Gang. Aniya, mabusisi niyang pinag-aaralan ang anumang segment o character na ma-assign sa kanya.
 
“Talagang each time I tape, talagang all out ako sa preparation. I want to build the character. I want to make something unique and then unti-unti napapansin ko ang dami ko nang natutunan sa mga kasama ko. Isipin mo, ang dami mong sketch na ginagawa, ang daming personalities and styles and characters na nakita ko.”
 
Dagdag pa ng Kapuso actor, masuwerte siya dahil pagkatapos ng taping nila ay marami siyang baon na bagong kaalaman at every shoot is a learning experience for him.
 
“Ang dami kong nababaon after each Bubble Gang taping. And for me, that was parang workshop. Parang school. So Bubble Gang was like every day I’m learning something new, I’m learning so many different things.”
 
Bukod pa riyan, nakahanap daw siya ng pamilya sa Bubble Gang. Tulad na lang ni Michael V na nagsilbing lider ng grupo.
 
Pag-amin ng binata, hindi raw niya makukuha ang role niya sa bago niyang sitcom na Ismol Family kung hindi sa tulong ng buong cast and crew ng Bubble Gang.
 
“Eventually I got close to everyone. I really got close. We play basketball every Sunday and ngayon masasabi ko na kung may problema ako with work, malamang sa malamang sila ‘yung unang pupuntahan ko.”
 
“Kuya Bitoy has been a great leader for all of us, he really allowed us to bond. So, that’s Bubble Gang for me. And ‘yung bunga nga niya is Ismol Family. I don’t think I would have gotten Ismol Family if not for Bubble Gang.”