Showbiz News

Gabby Eigenmann on Chynna Ortaleza: 'Kahit pinagbawalan siyang mag-love scene, tinuloy pa rin niya'

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
“I cannot describe her in so many words eh. Bata pa lang kami, we used to go to school together,” sagot ni Gabby Eigenmann nang kumustahin namin ang relationship niya sa Dading co-star na si Chynna Ortaleza.
 
Kuwento ni Gabby, matagal na silang magkaibigan ni Chynna. Magkababata raw sila at halos sabay silang lumaki sa showbiz. Kung may isang tao na kayang i-describe nang kumpleto si Chynna, si Gabby na raw iyon.
 
Ayon kay Gabby, hindi kuntento si Chynna sa salitang puwede na. Ibinibigay niya ang kanyang 100 percent sa lahat ng projects niya at madalas ay may inputs siya sa kanyang mga eksena.
 
Kapag feeling ni Chynna ay may kailangan pang gawin sa isang scene, hindi raw siya titigil para ma-achieve ito. “Grabe ang pagiging passionate niya sa trabaho. If she gets frustrated sa scenes, she'll talk to the right people. She talks to Ben [Alves], talk to Glaiza [de Castro], kami-kami lang actually,” saad ni Gabby.
 
Dagdag pa niya, “If she talks to someone else but wouldn't understand her, mas mafu-frustrate siya. And the good thing about it is that she trusts each and every one of us here.”
 
Binuko ni Gabby si Chynna sa aming interview. Ani Gabby, “Sobrang passionate niya sa trabaho. Kahit pinagbawalan siyang mag-love scene, tinuloy pa rin niya kasi kailangan sa trabaho 'yon.”
 
Ang love scene na tinutukoy ni Gabby ay ang kissing scene nina Chynna at Benjamin sa Afternoon Prime soap.
 
Natutuwa raw si Gabby dahil ipinakita ni Chynna ang kanyang pagiging professional. Aniya, “Doon ako nabilib kasi work is work saka personal lives 'yan eh. Kung naintindihan, mas maganda.”