Showbiz News

Mauuwi sa kasalan ang pagtatapos ng 'My BFF' sa Biyernes

By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Friendship and love lasts forever in My BFF kaya naman isang important event ang dapat abangan ng mga manonood ngayong Biyernes. 
 
Nakita natin ang iba't-ibang couples tulad nina Christian at Lyn, Mang Gerry at Tonying, at sina Mindy at Patrick. Kaya naman marami ang nagtataka kung sino sa kanila ang masayang magbubuklod sa isang wedding.
 
Si Christian at Lyn, nagkahiwalay man noon, ay muling pinagtagpo ng kanilang pagmamahal sa isa't-isa at sa kanilang mga anak na sina Chelsea at Rachel. Sinubok man ang kanilang relasyon, patuloy silang nagiging matatag para sa kanilang pamilya.
 
Sina Lolo Gerry at Tonying naman ay ang nakakatuwang couple na nagbahagi ng kanilang kuwelang love story. Ang kanilang pambihirang love story nga kaya ang hahantong sa altar?
 
Isa ring nakakatuwang tambalan ay ang kina Mindy at Patrick. Madalas silang nakikitang nagbabangayan at nagtatawanan, pero unti-unti na rin silang nagpapakita ng sweetness para sa isa't-isa. Ang happily ever after kaya ay para sa kanilang dalawa?
 
Abangan kung sino ang blushing bride at dashing groom na haharap sa altar sa masayang pagtatapos ng My BFF ngayong Biyernes.
 
Tags:
mybff, rss, rssfeed