Showbiz News

What you've missed from the 'My BFF' Live Chat

By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Isang masayang kuwentuhan from the mother and daughter cast of My BFF ang naganap ngayong hapon sa GMANetwork.com Live Chat.
 
Dito, ipinaliwanag ni Manilyn Reynes and Jillian Ward ang kanilang mga funny moments, memorable scenes at experiences bilang ina at anak.
 
Para sa mga naka-miss ng event na ito, narito ang live chat transcript.
 
Carla Velasco: Hi Mane and Jillian! Share naman kayo ng tips kung ano pinaka effective / okay / malambing way para magkaayos ang parents at anak pag nag-away o tampuhan. Thank you and more power!
 
mybff: dapat po pag nagtampuhan mag sorry po agad yung anak at wag nya na po gagawin.. ulit and always be sweet po at dapat po turuan ng mabuti ang anak para po pag tanda nya po mabait po sya at lagi po dapat may pagmamahal kahit nag aaway at lagi pong respetuhin ang mga magulang :-) from Chelsea dapat daanin po sa mahinahon na pagtatanong at sana, mahinahon ding pagsagot ang maibigay. para mas magkaintindihan, wag magsigawan... dapat lagi pa ring may pagmamahal. at ipaliwanag sa anak ang side ng parent ng mabuti... at pakinggan din naman ng parent ang bata... dapat po lagi nating naipadadarama na ang lahat ng iniisip nating mga magulang, ay para sa kautihan at kapakanan ng mg anak...
 
ems: hi mane and jillian...ganda tlaga ng BFF.laging may lessons learned...sinong mamimiss nio sa show Mane si Janno ba?joke..xxx
mybff: lahat po siyempre, dahil mahuhusay katrabaho
 
leecop18: hi mane
mybff: hello :-)
 
pangoprincess21@gmail.om: for jillian..,, ano ang hindi mo malilimutan na scene sa my bff ?
mybff: halos lahat po kasi lahat naman po ng eksena ay napaka ganda po at siguro po ang di o po talaga malilimutan ay.... nung nakita o po yung sarili ko po sa coffin at siguro po yung eksena po namin nila daddy long at yung eksena po namin ni mommy lyn
 
shella: ano po ang favorite food ni Jilian? :)
mybff: halos lahat po pero favorite ko rin po talaga ang japanesse food.........
 
Ren-ren: Hi Ms Manilyn, bilang child star rin po dati... ano po ang masasabi niyo sa performance ni Jillian sa My BFF
mybff: napakagaling ng batang ito... khit noon pa. kasi, di siya takot magtanong kung ano ang dapat gawin, at iniintindi niya talagang mabuti yung eksena, para makuha niya ang tamang emosyon. at nakikinig siya...
 
shella: hi Jillian :)
mybff: hi po ate shella kamusta na po kao LOVE; CHELSEA
 
Ren-ren: Hello po, ano po ang pinakamahirap na scene na ginawa niyo sa My BFF?
mybff: siguro po nung nkita ko po yung sarii ko po sa coffin... pwde rin po nung sagasa or yung eksena po namin nila daddy long or mommy lyn from; chelsea ako naman, lahat ng ekseneng puno ng emosyon, whther galit o llungkot, laging masarap gawin, kahit mahirap. dahil napyu-push mo yung sarili mo sa kung ano pa ang kaya mo...from; mommy lynn
 
yyetterubinos: hi ms mann, sayang naman po di kami nakapunta sa taping ng My BFF, pero sa OCT 9 po pupunta ulit kami sa taping ng Pepito Manaloto, see u po, idol :)
mybff: see you
 
heatfan: Ms Manilyn! Saan po kayo mas pabor? "ARTISTANG SHOWBIZ ANG UGALI" or ARTISTANG HUMBLE AT HINDI SHOWBIZ ANG UGALI"
mybff: una muna, ang artista, tao rin po. minsan siguro, naaabutan din nating wala rin sa mood. di naman din po siguro masamang magpakita ng totoong nararamdaman...
 
heatfan: Jillian Ward! kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na makasama sa iisang palabas si Ryzza Mae Dizon.. anong klaseng palabas ito at bakit? Horror, Drama, Comedy or Action Film?
mybff: halos lahat po pwedeng ipag sama sama sa film kasi po im sure kaya po namin gawi yun ng mabuti at pwde rin pong parang baby sister ko po si ryza dun kasi po para po parang little sister kio rin po sya;)
 
aldwin999: hello chelsea
mybff: hi po kuya aldwin ;-)
 
heatfan: Hello Ms, Manilyn Reynes!! just to let you know that since I was a Little Child pinapanood ko na po kayo.. ang pinakanaalala kong eksenang napanood ko ay ung nagmamaneho po kayo ng Owner Type Jeep na pinalabas sa programang Love Notes ni Joe D' Mango.. My Question is: bilang isang Tao na matagal na po sa Showbiz.. ano pong advices ang ibinigay ninyo kina Jillian Ward at Mona Louise Rey sa kanilang career sa Showbiz?
mybff: basta gawin ang lahat ng makakayang gawin lalo na sa trabaho. ibigay ang best sa lahat ng gagawin... at wag mapagod mag-aral lalo na sa roles na gagampanan,
 
heatfan: Good Afternoon Jillian Ward!! Ano ang Advice maibibigay mo sa mga batang ka-edad mo na gusto maging artista at magkaroon ng sariling palabas sa telebisyon?
mybff: wag po sila susuko sa pag tra try na matupad po ang dream po nila at langing mag thank you kay lord and always share your blessings
 
Paulinne: Saan ka natatakot?
mybff: sab po nila mas matakot po ako dapat sa taong buhay kesa sa multo
 
Paulinne: Jillian sino ang mga Kapuso idols mo?
mybff: sila ate marian po sila mommy lym at daddy long at sobrang dami pa pong iba
 
quintygirl: Sino ang pinakamakulit na cast member ng My BFF?
mybff: yung multo po
 
quintygirl: Hi, kamusta po ang last taping day ng My BFF?
mybff: ayos lang po, masaya,,, sigh...
 
Kung gusto niyong mapanood ang kabuuan ng kuwentuhan with Manilyn and Jillian, abangan ninyo ito sa My BFF Live Chat Rewind coming soon on GMANetwork.com.