Showbiz News

Mabubuhay na raw sa lapua si Chef Boy

By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Ngayong napapadalas ang pag-ulan sa Pilipinas, nagbigay ng rainy season dishes si Chef Boy Logro na puwedeng i-enjoy ng mga Pilipino.
 
"Ngayong rainy season, ang dish ng mga Pilipino siguro ay ang mga masasabaw tulad ng mga simpleng gulay, mga nilaga."
 
"Mga bulanglang, o lapua sa bisaya. May tinapa ka o pritong galunggong, 'yun ang masarap na hindi oily para long life ika-nga," dagdag ni Chef Boy.
 
Dahil sa mahilig umano si Chef Boy sa sabaw, ibinahagi niya ang kanyang all-time favorite na ulam.
 
"Ako nako, ang pinakapaborito ko ay ang lapua. Para siyang dinengdeng, 'yun lang ang ulam ko okay na ako," pahayag ni Chef Boy.
 
Kahit na kaya ni Chef Boy magluto ng kahit anong ulam tulad ng kanyang mga ginagawa sa Idol sa Kusina, mas gusto pa rin niya umano ang lapua. 
 
Aniya, "'Yun lang talaga [ang] kinakain ko sa bahay. Hindi pupuwedeng mawala yan." 
 
Sa kanilang bahay umano masarap gumawa ng lapua dahil halos lahat ng ingredients ay fresh nilang makukuha sa kanilang bakuran.
 
"My wife, pipitas lang kami sa aming garden ng alugbati, malunggay, okra, kamatis, 'yun na 'yun. Ulam na namin 'yun." 
 
Dagdag ni Chef, "Kasi bisaya kami, ganun kami. Ang ulam namin lahat may sabaw, main course na 'yun."