Showbiz News

Test Your Knowledge: Lovebirds JanElmo wins in 'Celebrity Bluff'

By MARY LOUISE LIGUNAS

 
Pinatunayan ng mag-love team at special friends na sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona na matatag at mahusay ang kanilang tambalan nang talunin nila sina Cris Villongco at Mikael Daez, at Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa Celebrity Bluff.
 
Grab a partner at subukang talunin ang JanElmo sa edition na ito ng Test Your Knowledge.
 
1. Ayon sa isang medical expert, anong bahagi ng katawan ang dapat i-massage upang mawala ang iyong kati sa lalamunan?
A. Earlobe
B. Gilid ng leeg
C. Wala
 
2. Anong modern invention ang may original name na 'The Flying Chair?'
A. Elevator
B. Octopus
C. Ejection seat
 
3. Noong 1800s sa Trinidad and Tobago, sa anong okasyon karaniwang isinasayaw ang Limbo?
A. Birthday party
B. Wake
C. Wedding
 
4. Ano ang most eaten vegetable sa Amerika?
A. Onion
B. Potato
C. Cabbage
 
5. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang composition ng salaping papel o peso bills ay 80 percent cotton at 20 percent _____.
A. Coconut
B. Abaca
C. Anahaw
 
6. Ano ang tanging bansa sa buong mundo na may 13 months sa kanilang kalendaryo?
A. Zimbabwe
B. Ethiopia
C. Angola
 
7. Alin-alin sa mga sumusunod na uri ng hayop ang nakarating na sa space o kalawakan?
A. Gagamba
B. Butiki
C. Manok
E. Dikya
F. Kuneho
G. Pagong
 
1. A– Kapag may itchy throat, dapat mo raw i-massage o i-scratch ang earlobe.
2. A– Ang Flying Chair ay ginawa para kay King Louis XV ng France noong 1743. Ang modern invention na ito ay kilala ngayon sa tawag na elevator.
3. B– Unang nauso ang limbo noong 1800s sa Trinidad and Tobago. Limbo reflects the whole cycle of life kaya noong simula, madalas ito sinasayaw tuwing wake (lamay).
4. B– By pound, ang most common eaten vegetable sa US ay ang patatas.
5. B– Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang Philippine bank notes o salaping papel ay 80% cotton at 20% abaca. Mas matibay ang mix ng cotton at abaca.
6. B– The only country in the world with thirteen months is Ethiopia.
7. A, E, F, G