Showbiz News

Chariz Solomon's biggest regret in joining 'StarStruck'

By AEDRIANNE ACAR


 
September is a big month for many showbiz hopefuls dahil nagsimula na ang auditions for the sixth season of StarStruck.
 
At isa sa mga produkto ng reality-based artista search ay ang bubbly comedian na si Chariz Solomon.

Hindi man siya naging mapalad na mag-uwi ng titulo sa competition, hindi naging mailap sa kanya ang showbizness dahil marami siyang project na nagawa.
 
Ngayon, mainstay siya sa longest running gag show sa Philippine TV na Bubble Gang at semi-regular siya sa Saturday comedy program na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.
 
Sa husay nga ni Chariz sa pagpapatawa, isa raw siya sa tinuturing ni Michael V na pinakamagaling among her contemporaries.
 
Sa panayam ng GMANetwork.com sa former StarStruck contestant, inamin nito na may pinanghinayangan siya nang sumali sa naturang show. Nakalimutan daw niyang mas pagtuunan ng pansin ang ‘biggest advantage’ niya as a contestant.
 
Aniya, “I forgot myself and pinush ko ‘yung sarili ko na maging iba. Nakipag-pagandahan 'di ba. Eh siyempre sobrang gaganda nung mga kasabay ko.”
 
Dagdag pa ni Chariz, “Kung sana pinush ko 'yung pagiging myself na funny naman, I think siguro mas tumagal ako sa competition. Nagkaroon pa ako ng chance na mapunta pa ko sa final six.”
 
Importante raw na alamin ng isang tao na sasabak sa StarStruck na mag-focus sa strengths na taglay mo.
 
Saad niya, “From my own experience, sinabi ko nga sa isang interview ko na kung hindi ka mukhang leading lady or leading man, kung mukha kang komedyante doon ka sa mukhang komedyante [laughs]. Ibig kong sabihin doon ka kung saan ‘yung edge mo, kung saan ka magaling, kung saan ka lumalamang. ‘Yun ang i-push mo, ‘yung craft mo talaga.”