GMA Logo david licauco
What's Hot

David Licauco's 'Chill lang' post, kinagiliwan ng fans

By EJ Chua
Published January 4, 2025 11:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

david licauco


Netizens at fans sa 'Chill lang' Instagram post ni David Licauco: “Walang kasalanan, walang dapat ipangamba.”

Kasunod ng pag-anunsyo ni Barbie Forteza tungkol sa hiwalayan nila ni Jak Roberto, naging usap-usapan din sa social media ang isa sa Instagram posts ni David Licauco.

Sa naturang post, makikita ang solo picture ni David na mayroong simple caption na, “Chill lang.”

Mababasa sa comments section na mabilis itong umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens at fans ng Sparkle actor.

Karamihan sa netizens ay ipinagtanggol ang kanilang iniidolo at sinabing walang kinalaman ang aktor sa nangyari sa relasyon ng JakBie.

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)

Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa viral post ni David:

Napa-react din ang fans ng BarDa at ilan sa kanila ay tila umaasang magkakaroon ng chance ang kanilang paboritong love team sa future.

Sina David at Barbie ay naging magkatrabaho sa GMA shows na Maria Clara at Ibarra, Maging Sino Ka Man, at Pulang Araw.

Bukod dito, naging magkatambal na rin ang dalawang Kapuso stars sa pelikulang That Kind of Love.

SAMANTALA, TINGNAN ANG MOMENTS NG BARDA LOVETEAM SA IBABA