Showbiz News

Benjamin Alves umaming naging inspirasyon si Gabby Eigenmann

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Hindi lang pala tatay on cam si Kapuso actor Gabby Eigenmann dahil siya rin daw ang tumatayong ama at inspirasyon ng buong cast ng Afternoon Prime soap ayon sa kanyang Dading co-star na si Benjamin Alves.

Sa mga ka-close ngayon ni Gabby sa cast ng Dading, hindi maitatangging siya na ang pinakabeterano sa kanila sa showbiz industry. Pinanindigan naman daw ito ng aktor dahil siya ang laging may hawak ng manibela sa kanila lalo na sa mga eksena.

“He is the dad of the show. He is the head of the cast. He’s nice, so I'm gonna miss that kasi iba siya eh.” pahayag ni Benjamin.

Sinabi ni Benjamin na mami-miss niya ang Dading co-star dahil sa nalalapit na pagtatapos ng show. Nasanay daw kasi silang magkakasama nang halos araw-araw sa taping kaya’t maninibago sila kapag nagtapos na ito.

Kuwento nga ni Benjamin, kahit hindi pa tapos ang taping noon ay nalungkot na sila nang minsang nawala si Gabby nang magluksa ito sa pagkawala ng kanyang ama na si Mark Gil kamakailan lang.

“When we had our taping that day, na-miss talaga namin si Gabby. So it's gonna be sad because we’re gonna end soon. So I'm really going to miss having him around,” saad ni Benjamin.

Sa huli, sinabi ni Benjamin ang naging role ni Gabby sa kanila bukod sa pagganap ng character ni Carding sa soap. Aniya, “Siya talaga 'yung aming source of inspiration.”

Patuloy na subaybayan si Benjamin Alves at Gabby Eigenmann sa nalalapit na pagwawakas ng Dading, weekdays after The Half Sisters on GMA Afternoon Prime.