GMA Logo Epy Quizon and Dolphy
photo by: epyq IG
What's Hot

Epy Quizon, nais balikan ang panahong buhay at malakas pa ang amang si Dolphy

By Kristine Kang
Published January 6, 2025 5:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WATCH: Fire hits community in Antipolo City
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Epy Quizon and Dolphy


Epy Quizon kay Dolphy: 'Sa lahat ng lumalabas sa bibig niya may kasamang wisdom, may wittiness.'

Isa si Epy Quizon sa mga batikang aktor na tinitingala ng young stars sa mundo ng showbiz. Bukod sa kanIyang husay sa pagganap ng iba't ibang karakter sa comedy at drama, kilala rin siya bilang isang mahusay na direktor.

Kabilang si Epy sa 2024 GMA hit drama series na Pulang Araw, kung saan ginampanan niya ang karakter na si Julio Borromeo, isang Pilipino na may-ari ng isang teatro noong dekada 40. Sa likod ng kaniyang mahusay na pag-arte sa serye, nagsilbing inspirasyon sa kaniya ang kaniyang yumaong ama na si Comedy King Dolphy. Dati rin kasing vaudeville performer ang kaniyang ama at nagbigay ng malaking kontribusyon sa industriya ng entertainment.

Ayon kay Epy, hindi lamang dahil sa Pulang Araw kaya siya kumukuha ng inspirasyon mula sa kaniyang ama. Sa araw-araw, ginagawa niyang gabay ang mga aral at alaala ng kaniyang itay sa paggawa ng mga proyekto sa showbiz.

Sa isang panayam ni Aster Amoyo kay Epy, ibinahagi ng aktor kung gaano niya nami-miss ang kaniyang ama. Kung may pagkakataon daw siyang bumalik sa nakaraan, pipiliin niyang muling makasama ang kaniyang tatay noong malakas pa ito. "Noong malakas pa ang tatay ko. Kung babalikan ko lang, a. Wala ako papalitan pero sana noong malakas pa ang tatay ko, sana mas kinulit ko sa bahay niya," ang kanyang sinabi.

Ayon pa kay Epy, isa sa mga bagay na hindi niya malilimutan ay ang family gatherings nila noon. Tuwing Linggo kasi sila kumakain sa labas at masayang nagkukuwentuhan. Sa sobrang saya raw ng kanilang kulitan, natatawa na rin daw ang mga nasa kabilang lamesa.

Maliban dito, madalas din niyang alalahanin ang mga usapan nila ni Dolphy na nagsilbing inspirasyon at aral sa kaniyang buhay. "Sa lahat ng lumalabas sa bibig niya may kasamang wisdom, may wittiness. Whether through a joke or out of a joke, same wittiness niya 'yung wisdom na binabahagi niya sa lahat ng mga kausap niya. Iyon ang nakaka-miss na may kasamang tawanan habang ginagawa niya iyon," dagdag pa ni Epy.

Kaya naman, madalas daw niyang pinagdarasal na gabayan siya ng kaniyang ama sa industriya na minahal nito.

"Usually when I'm at work I pray. I usually ask for guidance from him. I don't know if it's the right to ask for guidance from him, pero that's what I do. It's his craft, it's what I learned from him," kuwento niya.

Ngayon, patuloy kinakamit ni Epy ang kaniyang mga pangarap sa industriya ng showbiz at sa negosyo ng kaniyang pamilya. Ginagamit niya rin daw ang mga aral ni Dolphy sa kaniyang pang-araw araw na buhay, lalo na sa pagiging gentleman sa mga babae.

Balikan ang panayam nina Gabby Eigenmann at Epy Quizon tungkol sa kanilang mga ama, dito: