GMA Logo Epy Quizon
What's on TV

Epy Quizon, gaganap na mapang-abusong ama sa 'MAKA'

By Aimee Anoc
Published November 29, 2024 4:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Epy Quizon


Mapapanood si Epy Quizon bilang mapang-abusong ama ni Dylan Menor sa 'MAKA' ngayong Sabado.

Mabigat ang role na gagampanan ni Epy Quizon sa MAKA ngayong Sabado, November 30.

Makikilala si Epy bilang Mang Nik, ang mapang-abusong ama ni Dylan (Dylan Menor).

Sa teaser na inilabas ng MAKA para sa episode 11, makikita ang pananakit ni Nik sa kanyang asawa at anak. Para matigil na ang pang-aabuso ng ama, nais ni Dylan na maipakulong ito.

Pero tila mauuwi sa isang malagim na aksidente ang kagustuhan ni Dylan na makalayo silang mag-ina sa ama.

Abangan ang MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.